Ang Boko Haram (literal na, Kanluranin o hindi-Islamikong edukasyon ay kasalanan, mula sa Boko at Haram)[2][3][4][5] ay isang militanteng Islamikong grupo sa Nigeria na naghahangad ng pagpapataw ng batas na Shariah sa lahat ng 36 estado ng Nigeria.

Boko Haram
Sumali sa Kaguluhang pangkatan sa Nigeria
Aktibo 2002-
Ideolohiya Islamismo
Mga pinuno Mohammed Yusuf  
Mallam Sanni Umaru ?[1]
Punong-himpilan Kanamma, Nigeria
Lugar ng
mga pagkilos
Hilagang Nigeria
Mga kalaban Estado ng Nigeria
Labanan/digmaan Kaguluhang pangkatan sa Nigeria
Mapa ng mga estado ng Nigeria na nagpapatupad ng Shariah sa kasalukuyan

Itinatag ni Ustaz Mohammed Yusuf ang grupo noong 2002 sa Maiduguri. Taong 2004 lumipat ito sa Kanamma, Estado ng Yobe, kung saan nila itinayo ang himpilan na tinawag na "Afghanistan", na ginagamit sa pag-atake sa mga kalapit na himpilan ng pulisya, na ikinamamatay ng mga opisyal ng pulis.[6] Si Yusuf ay laban sa demokrasya at sistemang sekular na edukasyon, na nangako pang "nagsisimula pa lang ang digmaang ito at ito'y magtatagal" kung hindi babaguhin ang sistema ng politika at edukasyon[7].

Sa Bauchi naiulat na ang iniiwasan ng grupo na makihalubilo sa mga lokal na mamamayan. Kasama sa grupo ang mga kasapi mula sa kalapit na Chad at nagsasalita lamang ng Arabe.[8][9]

Nilalabanan ng Boko Haram hindi lamang ang kanluraning edukasyon bagkus pati ang kalinangan at makabagong agham na makakanluran.[10] Sa isang panayam ng BBC noong 2009, sinabi ni Yusuf na ang paniniwalang ang mundo ay globo ay taliwas sa Islam at dapat ibasura, gayundin ang Darwinismo at ang teorya na galing ang ulan mula sa tubig na na sumingaw dahil sa araw.[2]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. allafrica.com
  2. 2.0 2.1 "Nigeria's 'Taliban' enigma". BBC News. 2009-07-28. Nakuha noong 2009-07-28.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. maguzawa.dyndns.ws (Hausa-English dictionary)
  4. *Coulmas, Florian (1999). The Blackwell encyclopedia of writing systems. Wiley-Blackwell. p. 196. ISBN 063121481X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Austin, Peter K. (2008). One Thousand Languages: Living, Endangered, and Lost. University of California Press. pp. 64. ISBN 0520255607.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "AFP - Nigerian forces shell sect leader's home, mosque". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-31. Nakuha noong 2009-07-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Deadly Nigeria clashes spread, Al Jazeera, 2009-07-27
  8. Religious Riots Spread to Kano, Yobe, Borno Naka-arkibo 2009-08-01 sa Wayback Machine., This Day, 2009-07-28
  9. Captives freed in Nigerian city, BBC, 2009-07-29
  10. Africa, London, England: BBC, 2009-07-26, nakuha noong 2010-01-02{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin