Boku wa Tomodachi ga Sukunai

Ang Boku wa Tomodachi ga Sukunai (僕は友達が少ない, salin Wala Akong Maraming Kaibigan) ay isang Hapones na seryeng magaang na nobela na isinulat ni Yomi Hirasaka, inilustra ni Buriki, at inilathala ng Media Factory. Mayroon na itong dalawang adapsiyong manga; ang unang ikarnasyon, ang pamagat at ang mga tauhan ay hindi nagbago, ay sinimulang inuran noong 2010; ito ay isinulat at inilustra ng Itachi at inilathala ng Monthly Comic Alive. Mayroon namang ibang istorya ang ikalawang adapsiyon na isinulat at inilustra ni Misaki Harukawa at Shōichi Taguchi, tinawag itong Boku wa Tomodachi ga Sukunai + at inilathala ng Jump Square. May mga planong naihanda para sa adapyong anime.

Boku wa Tomodachi ga Sukunai
Pabalat ng unang nobelang Hapones na nailathala ng MF Bunko J n aipinapakita ang mga pangunahing tauhan na sina Kodaka Hasegawa, kaliwa, at Yozora Mikazuki, sa kanan.
僕は友達が少ない
DyanraRomantikong komedya
Nobelang magaan
KuwentoYomi Hirasaka
GuhitBuriki
NaglathalaMedia Factory
ImprentaMF Bunko J
DemograpikoMale
Takbo2009 – kasalukuyan
Bolyum6
Manga
KuwentoYomi Hirasaka
GuhitItachi
NaglathalaMedia Factory
MagasinMonthly Comic Alive
DemograpikoSeinen
Takbo2010 – kasalukuyan
Manga
Boku wa Tomodachi ga Sukunai+
KuwentoMisaki Harukawa
GuhitShōichi Taguchi
NaglathalaShueisha
MagasinJump Square
DemograpikoShōnen
Takbo2010 – kasalukuyan
Teleseryeng anime
DirektorHisashi Saitō
IskripTatsuhiko Urahata
MusikaTom-H@ck
EstudyoAIC Build
TakboOktubre 2011 – kasalukuyan
Laro
Bokuwa Tomodachiga Sukunai Portable
TagalathalaNamco Bandai
GenreVisual novel
PlatformPlayStation Portable
Inilabas noong26 Enero 2012
 Portada ng Anime at Manga

Si Kodaka Hasegawa ay isang mag-aaral na kakalipat lamang sa St. Chronica's Academy, isang pribadong Katolikong paaralan. Katulad ng bawat isa sa mga paaralan na kanyang pinasukan, nahihirapan siya makipagkaibigan dahil sa kanyang dilaw na buhok (na minana niya sa kanyang Briton na ina) at ang kanyang kasindak-sindak na mga mata, kaya nagiging katakoot-takot siya sa kanyang mga mahusgang mga kamag-aral.

Isang araw, nagtagpo ni Kodaka ang mapag-isa at malupit na si Yozora Mikazuki habang nakikipag-usap siya sa kanyang likhang kaibigan na si "Tomo". Napagisip nila na parehas silang hindi marunong makipagsalamuha sa tao at sila ay gumawa ng isang klab, ang Samahanng Kapit-bahay (隣人部 Rinjin-bu?), para sa mga taong walang kaibigan katulad nila

Sumali rin ang ilang mag-aaral, ang una ay ang maganda ngunit mayabang na si Sena Kashiwazaki, na walang kaibigang babae at mayroon lamang mga lalaki na nagpapa-alipin sa kanya. Ang sunod ay si Yukimura Kusunoki, isang batang binata na mukhang babae na humahanga kay Kodaka at nais pang maging macho. Sunod ay si Rika Shiguma, isang babaeng mamalisya at kilalang henyo sa siyensiya na may kaugaliang pagka-fujoshi[jargon] na sumali sa klab matapos siya ay iligtas ni Kodaka sa isang aksidente sa laboratoryo. At ang huling sumali ay ang nakakabatang kapatid na babae ni Kodaka na si Kobato na sumusuot ng damit ng Gothic lolita at iniisip na siya ay isang bampira.

Tauhan

baguhin
Kodaka Hasegawa (羽瀬川 小鷹, Hasegawa Kodaka) Boses ni: Ryohei Kimura
Yozora Mikazuki (三日月 夜空, Mikazuki Yozora) Boses ni: Marina Inoue
Sena Kashiwazaki (柏崎 星奈, Kashiwazaki Sena) Boses ni: Kanae Itō
Kobato Hasegawa (羽瀬川 小鳩, Hasegawa Kobato) Boses ni: Kana Hanazawa
Rika Shiguma (志熊 理科, Shiguma Rika) Boses ni: Misato Fukuen
Yukimura Kusunoki (楠 幸村, Kusunoki Yukimura) Boses ni: Nozomi Yamamoto

Magaang na nobela

baguhin

Ang orihinal na magaang na nobela ay isinulat ni Yomi Hirasaka, na sinimulang inuran noong 2009 ng Media Factory at inilathala ng MF Bunko J. Sa kasalukuyan, may anim na itong bolyum na nailalathala.[1]

Sa kasalukuyan, mayroon na itong dalawang ininunurang adapsiyong manga. Sinimulang inuran ang dalawa noong 2010, ang una ay isinulat at inilustra ni Itachi, na kung saan ay nailathala sa Monthly Comic Alive,[2] na may pamagat na Boku wa Tomodachi ga Sukunai; ang ikalawa na kung saan ay isinulat ni Misaki Harukawa at inilustra ni Shōichi Taguchi, na inilathala ng Jump Square,[3] na may pmagat naBoku wa Tomodachi ga Sukunai+.

Noong Mayo 2011, isang pangtelebisyong seryeng anime na base sa magaang na nobela ang inanunsiyo sa pagkakalabas ng ikaanim na magaang na nobela.[4] Sinimulan ang pagpapalabas sa Hapon noong Oktubre 2011 na inilabas ng AIC Build sa ilalim ng direksiyon ni Hisashi Saitō.[5]

Resepsiyon

baguhin

Ang ikalawang bolyum ng manga ay nakakuha ng ikapitong pwesto sa 30 pinakamataas batay sa Japanese Comic Ranking, sa pagitan ng mga araw na Mayo 23 at Mayo 29.[6]

Talababa

baguhin
  1. "Light novels at the series official website" (sa wikang Hapones). Media Factory. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Hulyo 2010. Nakuha noong 2 Hunyo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "First Manga at the publisher's website" (sa wikang Hapones). Media Factory. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Mayo 2011. Nakuha noong 2 Hunyo 2011. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Second Manga at the series official website" (sa wikang Hapones). Shueisha. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-08-15. Nakuha noong 2 Hunyo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Boku wa Tomodachi ga Sukunai Light Novels Get TV Anime". Anime News Network. 17 Mayo 2011. Nakuha noong 11 Agosto 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Boku wa Tomodachi ga Sukunai TV Anime Slated for Fall". Anime News Network. 26 Hulyo 2011. Nakuha noong 11 Agosto 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Japanese Weekly Comic Ranking Mayo 23-29 at Anime News Network". Anime News Network. 1 Hunyo 2011. Nakuha noong 9 Hulyo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Boku wa Tomodachi ga Sukunai Portable Limited Edition limited quantity Senpai Gamer, Sept 8, 2011

Talababa

baguhin