Ang isang bomba ng hangin o pambomba ng hangin (Ingles: air pump) ay isang aparatong pantulak ng hangin. Ginagamit ang bomba ng hangin sa pagpapapintog ng mga bagay na katulad ng bola ng basketbol at iba pang mga bagay. Kabilang sa mga halimbawa ng bomba ng hangin ang isang pambomba ng hangin sa gulong ng bisikleta (sa katagalan o paglipas ng mga araw, ang hangin na nasa loob ng mga gulong ng bisikleta ay maaaring makawala, kung kaya't kailangang papintugin uli sa pamamagitan ng pagkarga ng hangin sa pamamagitan ng bomba ng hangin); mga pambomba na ginagamit upang makapagpasok ng sariwang hangin sa loob ng isang akwaryo o isang dagat-dagatan sa pamamagitan ng isang batong-hangin; isang kompresor ng gas (tagapiga ng gas) na ginagamit upang mabigyan ng lakas ang isang kasangkapang pneumatiko, tambuli ng hangin (torotot ng hangin) o organong may tubo (instrumentong pangtugtog); bubulusan na ginagamit upang makapanghikayat ng paglikha ng apoy; isang panglinis na may bakyum at isang pambombang may bakyum. Ang bomba ng hangin ay kadalasang mayroong isang karayom na nakakabit sa dulo ng tubo nito.

Ang pambomba ng hangin ni Boyle.

Ang unang mabisang bomba ng hangin na binuo sa Inglatera para sa mga layuning pang-agham ay nagawa ni Robert Hooke noong 1658 para kay Robert Boyle.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. George Wilson (Enero 1849), "On the Early History of the Air-pump in England", Proceedings of the Royal Society of Edinburgh{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhenyeriya at Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.