Bono ng pamahalaan

(Idinirekta mula sa Bond ng pamahalaan)

Ang bono ng pamahalaan ay (Ingles: government bond) na tumutukoy sa isang bono na iniisyu ng isang pambansang pamahalaan sa sariling pananalapi ng bansa. Ang mga bono na iniisyu ng mga pambansang pamahalaan sa pananalapi ng ibang bansa ay karaniwang tinutukoy bilang mga soberanong bono.

Panganib

baguhin

Madalas tinutukoy ang mga bono ng pamahalaan bilang mga walang panganib na bono, dahil ang pamahalaan ay maaaring magtaas ng mga buwis o simpleng maglimbag ng karagdagang salapi upang mahango ang bono pagdating ng panahon ng pagbabayad. Mayroon ding mga maling halimbawa kung saan nagkulang sa pagtupad ang pamahalaan sa domestikong pananalaping utang nito, tulad ng sa Rusya noong 1998—ang “krisis rubl’”—bagaman napakapambihira lamang nito.

Bilang halimbawa, sa Estados Unidos, ang mga Tesoreryang Seguridad (Treasury securities( ay iniisyu sa Dolyar ng Estados Unidos at ito rin ang mga pinakaligtas na pamumuhunan sa dolyar ng Estados Unidos. Gayumpaman, mayroon pa ring mga ibang panganib, gaya ng panganib pampananalapi sa mga dayuhang mamumuhunan. (Hal. Marahil na nakatanggap ang mga di-Amerikanong namumuhunan ng Tesoreryang Estados Unidos ng mas mabababang kita noong 2004 dulot ng pagbaba ng halaga ng dolyar US kahambing ng ibang mga pananalapi.) Pangalawa, naroon ang panganib ng pamimintog (inflation)—kapag ang prinsipal na ibinalik pagdating ng panahon ng pagbabayad' ay nagtataglay na ng mas mababa kapangyarihang pambili (purchasing power) kaysa inasahan kung ang dami ng nagagawa ng pamimintog ay mas mataas sa inaasahan. Maraming pamahalaan ang nag-iisyu ng mga bonong naka-indiseng pamimintog (inflation-indexed bond) na isinasanggalang ang mga mamumuhunan mula sa panganib ng pamimintog.

Pag-isyu

baguhin

Iniisyu ang mga bono ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga tanggapan na bahagi ng kagawarang ng tesoreriya.

Tingnan din

baguhin