Siga

kontroladong apoy sa labas
(Idinirekta mula sa Bonfire)

Ang sigâ ay malaki at kontroladong apoy sa labas, na ginagamit sa impormal na pagtatapon ng masusunugin na basura o bilang bahagi ng pagdiriwang.

Isang sigâ sa gitna ng tag-init sa Seurasaari, Helsinki, Pinlandiya
Sa mga dalampasigan ng Duindorp (nakalarawan) at Scheveningen, na bahagi ng Ang Haya, taunang nakikipagkumpetensya ang mga grupo para magpaningas ng pinakamalaking sigâ sa mundo[1]

Mga tradisyon ayon sa rehiyon

baguhin

Alpes at Gitnang Europa

baguhin
 
Distribusyon ng Funkenfeuer sa Alemanikong Europa, Pransiya at Hilagang Italya. Kumakatawan ang pula sa mga tradisyon ng Funkensonntag (ang Linggong kasunod ng Miyerkules ng Abo), kumakatawan ang bughaw sa tradisyon sa ika-1 ng Marso.

Laganap ang mga tradisyon ng siga sa pasimula ng tagsibol, lalo na sa Linggong kasunod ng Miyerkules ng Abo (Funkensonntag, tinatawag din na Linggo ng Quadragesima), sa mga rehiyong nagsasalita ng Alemaniko o Alemannisch sa Europa at sa mga bahagi ng Pransiya. Ang pagsusunog ng "imahen ng taglamig" sa Sechseläuten sa Zürich (nagsimula noong 1902) ay kinasihan nitong tradisyong Alemaniko. Sa Austria, laganap ang kaugalian ng "Osterfeuer" or apoy sa Linggo ng Pagkabuhay, ngunit nire-regulate sa ilang lungsod, distrito at bansa para manatiling mababa ang magiging taunang taluktok ng pagbuga ng PM10-dust. Mayroon ding "Sonnwendfeuer" (apoy ng solstisyo) na sinisindihan sa gabi ng ika-21 ng Hunyo.

Mula noong, sinisindihan ang mga "Feuer in den Alpen" (mga apoy sa Alpes) sa isang araw sa Agosto sa mga bundok para makikita sa malayo bilang panawagan para sa masusuportahang pagpapaunlad ng mga bulubunduking pook.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Largest bonfire [Pinakamalaking siga] (sa wikang Ingles), Guinness World Records. Nakuha noong 22 Abril 2018.
  2. Organizers of "Feuer in den Alpen" [Mga organisador ng "Feuer in den Alpen"] (sa wikang Aleman), tingnan: "Hintergründe"