Si Bonifacio R. Isidro ay isang Pilipinong imbentor ng 41 na bagay, na nagbigay sa kanya ng parangal na Medalya ng Presidente para sa kanyang imbensiyon. Natanggap rin niya ang WIPO Gold Medal para sa pagiging mahusay na imbentor noong 1983 at kaparehong parangal para sa kanyang imbensiyon sa Multi-Crop Sheller noong 1985.

Hindi man nakapagtapos ng kolehiyo si Bonifacio ay di niya ito ikinahihiya. Masaya pa niya itong ginagawang biro na mas edukado pa siya sa iba, sapagkat dalawang beses pa nga siyang tumungtong sa unang baitang sa elementarya. Hindi naging sagabal kay Bonifacio ang hindi niya pagkakatapos ng pag-aaral.

Noong 1984, napili si Bonifacio na pagkalooban ng salapi at merito dahil sa kanyang Forage crusher na naging kapaki-pakinabang para sa paggawa ng pakain sa baboy at manok. Taong 1985, nag-kaisa ang lahat sa pagpili sa kanya para sa Agad Multi-Crop Sheller/ Husker na nakapagbabalat ng 60 kabang mais, sunflower, munggo, o soy beans man.

Nakapag-imbento rin siya ng Bon-Car Tricycle na nagsilbing sakayan para libutin ang kanilang labing-apat na ektaryang taniman. Maging ang kanyang taniman ng orkidya ay naging showcase ng iba't ibang uri ng orkidya sa buong Timog Silangang Asia. Nakaimbento rin siya ng pandilig (Plant Watering Device) na kusang nagdidilig ayon sa oras na itinakda, ng sapat ng tubig para sa hanay ng mga orkidya. Lahat ng kanyang mga imbensiyon ay nakapagdala sa kanya ng kasikatan at kayamanan ngunit nananatiling palabiro at mapagkumbaba ang imbentor na si Bonifacio.

Ang ilan sa kanyang imbensiyon ay:

  • Agad Thresher-Model C
  • Agad Multi-Crop Sheller / Husker
  • Sorghum Thresher
  • Bon-Car Tricycle
  • Plant Watering Device
  • Low Cost Windmill
  • Improved Reaper
  • Utility Cart
  • Field Headgear
  • High Effeciency Sand-sitter
  • Lahar Sand-refiner
  • Giant Diamond-toothed Marble Cutters.

Sanggunian

baguhin