Bono (pananalapi)
Sa pinansiya, ang isang bono(Ingles: bond) ay isang seguridad na utang kung saan ang autorisadong tagaisyu nito ay umuutang sa tagahawak nito. Batay sa mga termino ng bono, ang nag-isyu ng bono ay obligadong magbayad ng interes(o coupon) at bayaran ang prinsipal sa kalaunang petsang tinatawag na petsang maturidad. Ang bono ay isang pormal na kontrata upang muling bayaran ang hiniram na salapi ng may interest sa isang nakatakdang interbal(ex semi taunan, taunan o minsan ay buwanan). Dahil dito, ang bono ay tulad ng isang pautang(loan). Ang may hawak ng bono ang nagpapautang(creditor), ang nag-isyu ng bono ang humihiram(debtor) at ang coupon ang interes. Ang mga bono ay nagbibigay sa mga umuutang ng panlabas na pondo upang pondohan ang pangmatagalan nitong mga pamumuhunan(investments) o sa kaso ng mga bono ng pamahalaan, upang pondohan ng pamahalaan ang paggasta ng pamahalaan.