Boonesborough, Kentucky

Ang Boonesborough ay isang hindi inkorporadong pamayanan na nasa Madison County, Kentucky, Estados Unidos. Nakahimlay ito sa gitnang bahagi ng estado na nasa kahabaan ng Ilog ng Kentucky. Kabahagi ang Boonesborough ng RichmondBerea Pook na Pang-estadistikang Mikropolitano

Boonesborough
Bayan, pamayanang hindi inkorporado ng Estados Unidos
Map
Mga koordinado: 37°54′30″N 84°16′19″W / 37.908333333333°N 84.271944444444°W / 37.908333333333; -84.271944444444
Bansa Estados Unidos ng Amerika
LokasyonMadison County, Kentucky, Estados Unidos ng Amerika
Websaythttp://parks.ky.gov/findparks/recparks/fb/

Ang Boonesborough ay itinatag ng maalamat na pronterong si Daniel Boone noong nagtatrabaho siya para kay Richard Henderson ng Kompanyang Transylvania. Pinamunuan ni Boone ang isang pangkat ng mga taong nananahanan sa paglagos sa mga bundok magmula sa Fort Watauga (na nasa pangkasalukuyang Elizabethton, Tennessee), na umuka sa Wilderness Road na patagos sa Cumberland Gap, at itinatag ang Fort Boonesborough. Namuhay doon si Boone magmula 1775 hanggang 1779. Ang Boonesborough ang unang naimapang bayan sa Kentucky, at isa sa unang mga pamayanang nagsasalita ng wikang Ingles na namayani sa kanluran ng Kabundukang Appalachiano. Matagumpay na napamunuan ni Boone ang kaniyang mga kasamahan noong panahon ng paglusob sa Boonesborough noong 1778.

Ang Boonesborough ay ang pook na kinalalagyan ng Liwasang Pang-estado ng Kutang Boonesborough, na kinabibilangan ng Museo ng Ilog ng Kentucky. Muli itong itinayo upang magmukhang isang gumaganang kuta na katulad ng sa mga araw noong naninirahan pa rito si Boone. Ang mga lingguhan (pang-Sabado't Linggo) mga palatuntunan ng "kasaysayang buhay" ay isinasakatuparan sa buong taon.

Mga mababasa pa

baguhin
  • Ranck, George W. Boonesborough: Its Founding, Pioneer Struggles, Indian Experiences, Transylvania Days, and Revolutionary Annals. Louisville, 1901. Muling inilimbag ng Arno Press, 1971.

37°54′30″N 84°16′19″W / 37.90833°N 84.27194°W / 37.90833; -84.27194{{#coordinates:}}: hindi maaaring magkaroon ng isang pangunahing tatak sa bawa't pahina


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.