Hilis

(Idinirekta mula sa Bow (musika))

Sa larangan ng musika, ang hilis (Ingles: bow)[1] ay isang uri ng kasangkapang pangtugtog na idinidikit at pinagagalaw na pahalang sa kahabaan o ibabaw ng isang bahagi ng iba pang kasangkapang pangmusika. Nakasasanhi ang hilis ng panginginig, pagyanig, o bibrasyon kaya't nakalilikha ng tunog o tugtugin ang isang instrumentong pangtugtugin. Karamihan sa mga hilis ang ginagamit para sa mga instrumentong de-kuwerdas, bagaman may ilang mga hilis na ginagamit na kasama ang lagaring pangmusika (ang musical saw sa Ingles) at iba pang mga idioponong ginagamitan ng hilis.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Bow, hilis - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.