Boys Over Flowers
Ang Boys Over Flowers (Koreano: 꽃보다 남자; Hanja: 花樣男子) ay isang serye sa telebisyon sa Timog Korea na pinagbidahan nina Koo Hye Sun, Lee Min Ho, Kim Hyun Joong, Kim Bum, Kim Joon at Kim So Eun. Ito ay pinalabas sa KBS2 noong 5 Enero 2009 hanggang 31 Marso 2009 matapos ang 25 na kabanata.
Boys Over Flowers | |
---|---|
Uri | Komedya, Romansa, Drama |
Gumawa | Kamio Yoko |
Isinulat ni/nina | Yoon Ji Ryun |
Direktor | Jun Ki Sang |
Bansang pinagmulan | Timog Korea |
Wika | Koreano |
Bilang ng kabanata | 25 |
Paggawa | |
Lokasyon | Korea, Macau |
Oras ng pagpapalabas | Lunes at Martes tuwing 9:50 PM (KST) |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 5 Enero 31 Marso 2009 | –
Kronolohiya | |
Kaugnay na palabas | Meteor Garden Hana Yori Dango |
Website | |
Boys Over Flowers official homepage |
Korean name | |
Hangul | 꽃보다남자 |
---|---|
Hanja | 花樣男子 |
Binagong Romanisasyon | Kkot Boda Namja |
McCune–Reischauer | Kkot Poda Namja |
Ito ay hango sa Hapon na manga na Hana Yori Dango ni Yoko Kamio. Ang teleseryeng ito na ang panglima na palabas na base sa nasabing manga kasunod ng Meteor Garden at Meteor Garden 2 na mula sa Taiwan, at Hana Yori Dango at Hana Yori Dango Returns na mula naman sa Japan.
Kuwento
baguhinSi Geum Jan Di ay isang ordinaryong babae na mula sa pamilyang nagmamay-ari ng maliit na dry cleaning store. Matapos iligtas ang isang estudyante na nagtangkang tumalon mula sa rooftop ng Shinhwa High School, siya ay nabigyan ng swimming scholarship sa Shinhwa, isang sikat na paaralan para sa mga mayayaman. Dito niya nakilala ang grupo ng pinaka-mayayaman at kinatatakutang estudyante na sina Goo Jun Pyo, Yoon Ji Hoo, So Yi Joong at Song Woo Bin, o mas kilala sa tawag na F4. Nang ipagtanggol ni Jan Di ang kaibigang si Oh Min Ji sa F4, natuon ang pansin ng grupo sa kanya at pinahirapan para kusa siyang umalis sa Shinhwa. Ngunit habang gumagawa ng mga paraan si Jun Pyo para pahirapan si Jan Di, nahulog na ang damdamin niya para sa kanya habang nagustuhan naman ni Jan Di si Ji Hoo. Malaki ang naging pagbabago sa mga buhay nila at madaming problema pa ang dumating nang nalaman ng ina ni Jun Pyo na mula lamang sa isang mahirap na pamilya si Jan Di.
Mga Pangunahing Tauhan at Aktor
baguhinKoo Hye Sun bilang Geum Jan Di
- Nang iligtas niya ang isang estudyante na gustong magpakamatay dahil sa pang-aapi ng F4, nabigyan siya ng scholarship sa Shin Hwa High School. Siya ang kauna-unahang babae na lumaban sa grupo. Una niyang nagustuhan si Ji Hoo ngunit natutunan rin niyang mahalin si Jun Pyo.
Lee Min Ho bilang Goo Jun Pyo
- Siya ang pinuno ng F4 at anak ng may-ari ng Shinhwa. Nung una ay nais niyang mapa-alis si Jan Di sa eskwelahan ngunit nagustuhan din niya si Jan Di.
Kim Hyun Joong bilang Yoon Ji Hoo
- Anak siya ng dating presidente ng South Korea. Siya ang pinaka-tahimik na miyembro ng F4 at kilala sa nakaka-hangang talento sa musika.
Kim Bum bilang So Yi Joong
- Si Yi Joong ay kilala na babaerong miyembro ng F4. Isa rin siyang magaling na potter at galing sa pamilya na nagmamay-ari ng pinaka-malaking museo sa Korea. Nahulog ang damdamin niya kay Chu Ga Eul, matalik na kaibigan ni Jan Di.
Kim Joon bilang Song Woo Bin
- Tulad ni Yi Joong, kilala rin siya sa mga babae. Siya rin ang pinaka-magaling na miyembro ng F4 sa pakikipaglaban. Nagmamay-ari ang pamilya niya ng isang malaking kompanya at may mga koneksiyon sa Mafia.
Kim Soo Eun bilang Chu Ga Eul
- Siya ang kasama sa trabaho sa porridge shop at matalik na kaibigan ni Jan Di. Sa gitna ng serye, may namuong pagtitinginan sa pagitan nila ni Yi Joong.
Kaibahan sa Manga
baguhin- Ang relasyon nina Sojiroh at Yuki sa manga ay hindi gaanong ipinakita. Sa Boys Over Flowers, makikita kung paano namukadkad ang pagtitinginan nina Yi Joong at Ga Eul.
- Naging mas mahalaga rin ang papel ni Ji Hoo kesa sa manga at iba pang bersiyon. Napakita sa serye na nagustuhan rin niya si Jan Di.
- Hindi pinakita ang pamilya ni Woo Bin sa bersiyon na ito at di tulad sa manga, hindi sinabi na interesado siya sa mas matatandang babae.
- Sa manga, ang magulang ni Makino ang nagpa-aral sa kanya sa Eitoku dahil sa pag-asa na may mapangasawa siyang mayaman. Sa bersiyon ng Korea, may niligtas na estudyante si Jan Di kaya siya nabigyan ng scholarship at nagkaroon ng pagkakataon para mag-aral sa Shinhwa.
Pagtanggap
baguhinNaging maganda ang pagtanggap ng publiko sa Boys Over Flowers at nagbigay daan sa pagsikat ng mga aktor na napiling endorsers sa iba’t ibang produkto.
Malaki ang naging impluwensiya ng serye sa mga tao sa Korea habang pinapalabas pa ito. Naging mas seryoso sa pag-aayos ng sarili at nagsimula ring gumamit ng cosmetics ang mga lalaki sa Korea para magaya ang imahe ng mga miyembro ng F4. Madami rin ang nagnais na magbakasyon sa New Caledonia at Macau, mga lugar na napuntahan rin sa serye.
Bumuo ng panibagong Korean wave ang Boys Over Flowers at sumikat sa iba pang bansa sa Asya tulad ng Thailand, Japan, Singapore, Nepal, Taiwan at Pilipinas, at maging sa Canada at Estados Unidos.