Brachiosaurus
Ang Brachiosaurus[1] (bigkas: /ˌbrækiəˈsɔrəs/, o [/bra-kyo-saw-rus/]), na nangangahulugang "butiking may baraso" o "butiking may bisig", mula sa sinaunang Griyegong brachion/βραχιων para sa "bisig" o "baraso" at sauros/σαυρος para sa "butiki", ay isang sari ng sauropodang dinosauro na namuhay noong mga Panahon ng Huling Jurassic at maaaring noong Panahon ng Maagang Kretasyo. Pinangalanan ito ng ganito dahil sa mga pangharapan nitong mga "bisig" o "baraso" (mga paa, sa katunayan) na mas mahaba kaysa sa mga panlikod na paa. Isa sa pinakamalalaking mga hayop na napag-aalamang lumakad sa mundo, ito ang naging isa sa pinakabantog sa lahat ng mga dinosauro at malawakang kinikilala sa buong daigdig.
Brachiosaurus Temporal na saklaw: Huling Jurassic - Maagang Kretasyo?
| |
---|---|
Kalansay ng Brachiosaurus brancai sa Berlin. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Klado: | Dinosauria |
Suborden: | †Sauropodomorpha |
Klado: | †Sauropoda |
Pamilya: | †Brachiosauridae |
Sari: | †Brachiosaurus Riggs, 1903 |
Species | |
| |
Kasingkahulugan | |
|
Sanggunian
baguhin- ↑ Harvey, Anthony; Barry Cork; Maurice Allward; Teresa Ballús; Roser Oromi (1978). "Brachiosaurus". Qué Sabes del Universo 1 (orihinal na pamagat: New World of Knowledge: Our Earth and the Universe). Ediciones Nauta, S.A. (nilimbag sa Espanya) / William Collins Sons and Company Limited, ISBN 84-278-0441-5, ISBN 84-278-0453-9.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 65.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.