Tarangkahang Brandeburgo

(Idinirekta mula sa Brandenburg Gate)

Ang Tarangkahang Brandeburgo (Aleman: Brandenburger Tor [ˈbʁandn̩ˌbʊʁɡɐ ˈtoːɐ̯]  ( pakinggan)) ay isang ika-18 siglong neoklasikong monumento sa Berlin, na itinayo sa utos ng haring Pruso na si Frederick William II matapos ibalik ang kapangyarihan ng Orangista sa pamamagitan ng pagsugpo sa popular na pag-aalsang Olanda.[1] Isa sa mga pinakakilalang tanawin ng Alemanya, itinayo ito sa lugar ng dating tarangkahan ng lungsod na nagmarka ng pagsisimula ng kalsada mula Berlin hanggang sa bayan ng Brandenburg an der Havel, na dating kabesera ng Margrabyato ng Brandeburgo.

Tarangkahang Brandeburgo
Brandenburger Tor
Ang Tarangkahang Brandenburgo, tanaw
mula sa Pariser Platz sa dakong silangan
Map
Pangkalahatang impormasyon
UriTarangkahan ng lungsod
Estilong arkitekturalNeoklasiko
KinaroroonanBerlin, Alemanya
Mga koordinado52°30′59″N 13°22′40″E / 52.5163°N 13.3777°E / 52.5163; 13.3777
Sinimulan1788
Natapos1791
Disenyo at konstruksiyon
ArkitektoCarl Gotthard Langhans

Ito ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng sentro ng lungsod ng Berlin sa loob ng Mitte, sa salikop ng Unter den Linden at Ebertstraße, kaagad sa kanluran ng Pariser Platz. Isang bloke sa hilaga ay nakatayo ang gusaling Reichstag, na kinaroroonan ng parlyamentong Aleman (Bundestag). Ang tarangkahan ay ang monumental na pasukan sa Unter den Linden, isang bulebar ng mga punong linden na direktang patungo sa maharlikang Palasyo ng Lungsod ng monarkang Pruso.

Sa buong pag-iral nito, ang Tarangkahang Brandeburgo ay madalas na isang lugar para sa mga pangunahing makasaysayang pangyayari at ngayon ay itinuturing na hindi lamang isang simbolo ng magulong kasaysayan ng Alemanya at Europa, kundi pati na rin ng Europeong pagkakaisa at kapayapaan.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Das Brandenburger Tor und sein Geheimnis, Der Tagesspiegel
  2. "Brandenburg Gate". berlin.de (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin

Padron:Visitor attractions in Berlin