Si Brandon Richard Flowers (ipinanganak noong 21 Hunyo 1981) ay isang Amerikanong musikero, na kilala bilang bokalista ng bandang The Killers na nakabase sa Las Vegas. Naglabas rin siya ng sarili niyang album na pinamagatang Flamingo.

Brandon Flowers
Kabatiran
Kapanganakan (1981-06-21) 21 Hunyo 1981 (edad 43)
PinagmulanHenderson, Nevada, United States
GenreIndie rock, Alternative rock, Heartland rock, New Wave, Post-punk revival
Taong aktibo2002–kasalukuyan
LabelIsland, Vertigo, Marrakesh

Maagang buhay

baguhin

Si Flowers, na pinakabata sa anim na magkakapatid, ay ipinanganak noong 21 Hunyo 1981 sa Henderson, Nevada kayna Terry at Jean Flowers(née Barlow). Ang mga nakatatanda niyang kapatid ay ang kaniyang kuya na si Shane at ang kaniyang mga ate na sina April, Shell, Amy at Stephanie.[1] Nanirahan ang kaniyang pamilya sa Henderson hanggang siya ay naging walong taong gulang. Lumipat sila sa Payson, Utah bago lumipat muli patungong Nephi, Utah noong siya ay nasa ikaanim na grado na. [2] Nanirahan si Flowers sa Nephi hanggang siya ay nakatungtong sa ikatlong taon sa mataas na paaralan ng Juab. Lumipat siya patungong Las Vegas kung saan nanirahan siya kasama ng kaniyang tiyahin. Nagtapos siya sa Chaparral High School noong 1999. [2][3][4]

Karera

baguhin

The Killers (2001–kasalukuyan)

baguhin

Tumugon si Brandon Flowers sa isang patalastas na nilagay ni Dave Keuning sa diyaryo noong huling bahagi ng 2001 at dito nagsimula ang pagkakabuo ng bandang The Killers. Pagkatapos ng ilang hindi nagtagal na mga bahista at tambolista, sumali kayna Flowers at Keuning ang bahistang si Mark Stoermer at ang tambolistang si Ronnie Vannucci at naging opisyal ang mga miyembro ng banda noong Augusto 2002. [4]

Noong 4 Hulyo 2010, inimbitahan ni Pangulong Obama ang The Killers para pangunahan ang isang USO na konsiyerto sa White House na pinamagatang “Salute to the Military”. Tinugtog nila ang “God Bless America” pati ang iba nilang mga popular na kanta. [5]

Nagsulat ang Amerikanong-Kanadian na mangaawit na si Rufus Wainwright ng kantang tungkol kay Flowers na pinamagatang “Tulsa” para sa kaniyang ikalimang album na “Release the Stars”. Sinabi ni Wainwright sa maraming panayam na ito ay humugot ng inspirasyon mula sa kanilang unang pagkikita sa isang serbeserya sa Tulsa, Oklahoma. Ayon kay Wainwright, si Flowers ay nakaramdam ng “pambobola at naging napakamahiyain” ukol sa tributong ito. [6]

Si Flowers mismo ay nakapagtanghal na kasama ang mga sumusunod: Coldplay, U2, Bruce Springsteen, Pet Shop Boys, Lady Gaga, Fran Healy (of Travis), Andy Summers (of The Police), New Order, Bright Eyes, sa gitna ng iba. Inilista ni Sir Elton John si Flowers bilang isa sa kaniyang limang mga bayani habang pinamamatnugutan niya ang espesyal na edisyon ng The Independent’s World Aids Day. [7][8]

Flamingo (2010)

baguhin

Inilabas ang Flamingo noong Setyembre 14 sa Estados Unidos at Kanada, at noong Setyembre 16 naman sa Britanya at Irlanda. [9] Lumabas ang unang kanta mula sa Flamingo, ang “Crossfire”, noong Hunyo 21(ang kaarawan ni Flowers). Inilabas ang bidyo para sa “Crossfire” noong Hulyo 8 at kasama sa bidyo si Charlize Theron. Sa pinakahuling tala noong Nobyembre 2011, mayroon nang higit sa 10 milyong panood ang bidyo sa YouTube. Ang album ay umabot sa listahan ng 10 nangungunang album ng 2010 sa UpVenue.com. [10]

Nagtsart ang Flamingo sa unang pwesto sa Britanya noong 12 Setyembre 2010. Ito ang ikaapat na konsekyutibong album ni Flowers, kasama ang mga album ng The Killers, na umabot sa unang pwesto sa tsart ng Britanya.

Ang palabas ni Brandon Flowers sa Shimmer Showroom sa Las Vegas ay pinangalanan ng SPIN bilang isa sa “15 na Pinakamahusay na Palabas ng Tag-init” noong 2010. [11] Inilista rin siya ng SPIN bilang isa sa “Dalawampu’t limang Pinakamahusay na Paglilibot Musikal ng Tag-lagas”/”Kailangang-Mapanood na Paglilibot Musikal ng Tag-lagas”. [12] Habang nasa paglilibot musikal, nagkaroon si Flowers ng mga espesyal na panauhin tulad nina Stuart Price, Andy Summers at Fran Healy.

Buhay Personal

baguhin

Pinakasalan ni Flowers si Tana Brooke Mundkowsky noong Augusto 2, 2005 sa isla ng O’ahu sa Hawaii. [13][14] Mayroon silang tatlong mga anak na lalaki, si Ammon (ipinangalan sa misyonaro ng Libro ng Mormon) na ipinanganak noong 14 Hulyo 2007; [15] si Gunner na ipinanganak noong 28 Hulyo 2009; at si Henry na ipinanganak noong 9 Marso 2011. [16]

Ang ina ni Flowers na si Jean Flowers ay namatay noong 11 Pebrero 2010 pagkatapos ng dalawang taong pakikipaglaban sa kanser sa utak. 64 ang kaniyang ina nang mamatay. [17]

Si Flowers ay miyembro ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints. Tampok siya sa Mormon,org, ang website ng simbahan. [18]

Mga Parangal

baguhin

Napanalunan ni Flowers ang “Pinakamahusay Manamit” at “Pinakaseksing Lalaki” noong 2005 pati na rin ang “Pinakamaporma” noong 2011 mula sa NME. [19] Napanalunan niya rin ang “Pinakamapormang Lalaki” na parangal mula sa GQ noong 2008. Inilista rin siya ng Esquire noong 2011 bilang isa sa “50 na Pinakamapormang Musikero ng nakalipas na Limang Dekada”. [20] Kinapanayam rin siya ng Q Magazine sa ngalan ng The Killers bilang isa sa mga “Artista ng Siglo” (Nobyembre 2009 isyu), ang kaniya ring pangalawang larawang pabalat sa naturang magasin.

Siya rin ay naging nominado sa Q bilang “Pinakamahusay na Lalaking Artista” noong 2010. [21] Siya rin ay naging nominado para sa “Pinakamahusay na Bidyo” para sa (“Crossfire”) noong 2011 sa Shockwaves NME. [22]

Diskograpiya

baguhin

Mga Album sa Istudyo

baguhin
Taon Titulo Pinakamataas na Posisyon sa Tsart Mga Sertipikasyon
(dami ng nabenta)
US AUS CAN GER IRL NED NZ UK GR
2010 Flamingo 8 5 9 8 3 4 6 1 3

Singles

baguhin
Taon Kanta Pinakamataas na Posisyon Album
AUS
[3]
CAN
[4]
IRL
[5]
NLD
[6]
NZ
[7]
SWI
[8]
UK
US
ALT.

[4]
US
ROCK

[4]
US
ADU.

[4]
2010 "Crossfire" 46 70 4 22 22 35 8 6 11 23 Flamingo
"Only the Young" 68 143
2011 "Jilted Lovers & Broken Hearts"
"—" mga kantang hindi nagtsart

Paglilibot Musikal

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. "[1] Naka-arkibo 2011-05-11 sa Wayback Machine.
  2. "2010 Certification Awards - Gold". IRMA. Nakuha noong 3 Hunyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Pandora Archive - Preserving and Accessing Networked DOcumentary Resources of Australia". Pandora.nla.gov.au. Nakuha noong Setyembre 18, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 "Brandon Flowers Album & Song Chart History". Billboard. Agosto 7, 2010. Nakuha noong Setyembre 18, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. ">> IRMA << Irish Charts - Singles, Albums & Compilations >>". Irma.ie. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Pebrero 2012. Nakuha noong Setyembre 18, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Steffen Hung. "Brandon Flowers - Crossfire". dutchcharts.nl. Nakuha noong Setyembre 18, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Steffen Hung. "Brandon Flowers - Crossfire". charts.org.nz. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 29, 2012. Nakuha noong Setyembre 18, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Steffen Hung. "Brandon Flowers - Crossfire". hitparade.ch. Nakuha noong Setyembre 18, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin
 
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.

Padron:The Killers