Brigitte Bardot

Pranses na artista

Si Brigitte Anne-Marie Bardot [1] [2] (Pranses: [bʁiʒit baʁdo]; Ingles: / brɪdʒɨt bɑrdoʊ /; ipinanganak 28 Setyembre 1934) ay isang Pranses na dating modelo, artista, mang-aawit at aktibista ng karapatang-panghayop. Isa siya sa mga pinaka kilalang simbolo ng seks noong 1960's.

Brigitte Bardot
Si Bardot noong 1962
Kapanganakan
Brigitte Anne-Marie Bardot

(1934-09-28) 28 Setyembre 1934 (edad 90)
Ibang pangalanBB
TrabahoAktres, modelo, mang-aawit, aktibista sa karapatang panghayop
Aktibong taon1952–1973
AsawaRoger Vadim (1952–1957) (nagdiborsiyo)
Jacques Charrier (1959–1962) (nagdiborsiyo)
Gunter Sachs (1966–1969) (nagdiborsiyo)
Bernard d'Ormale (1992)
AnakNicholas-Jacques Charrier
ParangalGantimpalang David di Donatello, Lehiyon ng Parangal (tinanggihan)

Sa kanyang kabtaan, pinangarap ni Bardot na maging mananayaw ng baley. Sinimulan niya ang kanyang pag-arte noong 1952 at, matapos na lumilitaw sa 16 pelikula, naging sikat siya dahil sa kanyang papel sa kontrobersiyal na palabas na And God Created Woman. Noong 1963 ,bumida siya sa palabas ni Jean-Luc Godard na pinamagatang Contempt,. Siya ay hinirang para sa BAFTA Award para sa Best Foreign Artist para sa kanyang papel sa pelikula ni Louis Malle noong 1965 na pinamagatang, Viva, Maria!.

Napukaw ni Bardot ang interes ng mga intelektwal na Pranses. Noong 1959, siya ang naging paksa ng sanaysay ni Simone de Beauvoir na pinamagatang, The Lolita Syndrome, na kung saan inilarawan si Bardot bilang unang pinaka-liberated na babae matapos ang panahon ng digmaan. [3]

Simula noong 1969, ang mga katangian ni Bardot ang naging opisyal na basehan ng pigura ng Marianne, na kumakatawan sa kalayaan ng Pransiya .. [4] Nagretiro sa industriya si Bardot noong 1973. Sa kanyang trabaho sa pag-arte, bumida siya sa 47 na pelikula at nagrekord ng 80 na kanta. Siya ay ginawaran ng Légion d'honneur noong 1985 ngunit tinanggihan niya ito. [5]

Sa kanyang pagreretiro, itinatag ni Bardot ang sarili bilang aktibista ng karapatang-panghayop. [6] [7]

Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[1]

Kabataan

baguhin

Si Brigitte Bardot ay anak ni Anne-Marie Mucel at Louis Pilou Bardot.Lumaki siya sa isang Romano-Katolikong pamilya. Pinag-aral siya ng kanyang ina ng sayaw, at nagdesisyon siyang magpokus sa pag-aaral ng sayaw na baley. Noong 1974, natanggap si Brigitte sa Conservatoire de Paris, at doon siya nag aral ng baley sa ilalim ni Boris Knyazev.

Dahil sa imbitasyon sa kanyang ina, naanyayahang sumali sa fashion show si Brigitte noong 1949. Sa parehas na taon, nagmodel din siya para sa isang fashion magasin. Noong siya ay 15 taon gulang, napansin ng siya ng direktor na si Roger Vadium noong siya ang cover ng ELLE magasin. Inanyayahan siyang mag-audition sa Les lauriers sont coupés. Natanggap man ni Brigitte ang papel, nakansela ang pelikula ngunit ito ang kumumbinsi sa kanyang pumasok sa industriya ng pag-arte.[11][12]

Propesyon

baguhin

Bagkus ang Industriya ng Europa sa pelikula ay sumisikat, isa si Bardot sa mga kaunting Europeong artista na sumikat sa Estados Unidos. Siya ay nagdebut sa 1952 komedyang pelikulang pinamagatang ‘’LeTrou Normand’’ .Mula 1952–1956, lumabasa siya sa 17 na pelikula. Napukaw niya ang atensiyon ng midya noong siya ay dumalo sa ‘’Cannes Film Festival’’ noong Abril 1953.,[12]

Hindi nakuntento dito si Roger Vadim. Marami na ding sumisikat na aktres na Europeo at nararamdaman niyang natatabunan na si Bardot. Dahil dito, ginawa nila ang pelikulang And God Created Woman (1956). Ang pelikulang ito ang nagpasikat ng tuluyan kay Bardot bilang isang sex symbol.

Sa unang bahagi ng kanyang propesyon bilang aktres, malaki ang naitulong ng British photographer na si Sam Lévin sa imahe niya. Nakipaghiwalay siya kay Vadim noong 1957 at nagpakasal sa actor na si Jacques Charrier noong 1959. Kinalaunan ay nakasama niya si Charrier sa pelikulang Babette Goes to War.

Ang pelikulang Vie privée (1960), ay sumalamin sa buhay ni Bardot. Sa pelikulang ito ay ginawaran siya ng David di Donatello Award bilang Best Foreign Actress sa papel niyang ginampanan. [13]

Noong taong 1973, inanunsiyo ni Bardot na magreretiro na siya sa industriya.[14]

Personal na Buhay

baguhin

Noong 1959 ay nagpakasal si Bardot kay Jacques Charrier. Kay Charrier lang siya nagkaroon ng anak at ito ay pinangalanan nilang Nicolas-Jacques Charrier. (1960) Matapos siyang makipagdiborsiyo kay Charrier noong 1962 ay pinalaki na lamang si Nicolas sa pamilyang Charrier. Nakita niya lamang muli ang kanyang ina noong siya ay tumanda na.

Ang iba pang mga naging asawa ni Bardot ay si Gunter Sachs (isang German millionaire playboy), at si Bernard d’Ormale na kasalukuyan niyang asawa.

Impluwensiya

baguhin

Sa larangan ng fashion, ipinangalan kay Bardot ang Bardot neckline. Kinilala si Bardot sa pagpapasikat niya sa pagsuot ng bikini sa mga lumang pelikula tulad ng Manina, sa pagdalo niya sa Cannes at sa mga photoshoots.

Pinauso din ni Bardot ang choucroute hairstyle sa kanyang kasal kay Charrier.[40] Siya din ay minsang naging paksa sa mga gawa ni Andy Warhol. Bukod pa dito, kilala si Bardot sa pagpapasikat sa siyudad ng St. Tropez at bayan ng Armação dos Búzios sa Brazil, mga lugar na binisita niya noong kasama niya ang kanyang karelasyon noong 1964. [41] Umukit ng statwa si Christina Motta[42] para kay Bardot sa Armação dos Búzios.

Iniidolo si Bardot nila John Lennon and Paul McCartney.[43][44] Nagplano silang gumawa ng pelikula kung saan kasama si Bardot, ngunit hindi ito natuloy.[12] Ang unang asawa ni Lennon na si Cynthia Powell ay nagpakulay pa ng buhok para maging kahawig ni Bardot. Minsan nang nagkita ng personal si Lennon at Bardot.[45]

Noong 1970, ibinase ng iskultor na si Alain Gourdon kay Bardot ang Marianne, ang French National Emblem. Noong taong 2007, kasama siyang pinangalanan kabilang sa 100 Sexiest Film Stars.[46] Ang pinakaunang exhibition tungkol sa kanyang impluwensiya sa industriya ay binuksan noong 29 Setyembre 2009. [47]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. Nakuha noong 1 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)