Si Bryan Guy Adams, OC OBC (ipinanganak noong 5 Nobyembre 1959) ay isang mang-aawit, kompositor at litratista na Kanadyano.

Si Bryan Adams habang tumutugtog sa Hamburg

Si Adams ay nakilala sa Hilagang Amerika sa kanyang album na Cuts Like a Knife at naging tanyag sa buong mundo sa kanyang album na Reckless noong 1984.

Dahil sa kanyang mga naiambag sa larangan ng musika, si Adams ay nakakuha ng maraming parangal at nominasyon, kasama na ang 20 Juno Awards sa 56 na nominasyon, 15 na nominasyon sa Grammy Award kabilang ang pagkapanalo sa Best Song Written Specifically for a Motion Picture or Television dahil sa kanyang kantang "(Everything I Do) I Do It For You" noong 1992. Nanalo rin siya ng MTV, ASCAP, American Music Awards, dalawang Ivor Novello Awards para sa kanyang pagsusulat ng awitin at limang beses na naging nominado sa Golden Globes awards at tatlong beses sa Academy Awards dahil sa kanyang mga komposisyon na para sa mga pelikula.

Si Adams ay naparangalan ng Order of Canada at Order of British Columbia dahil sa kanyang mga kontribusyon sa larangan ng tanyag na musika at mga gawain sa charity sa pamamagitan ng kanyang sariling pundasyon, na tumutulong mapabuti ang pag-aaral ng mga tao sa buong mundo.

Si Adams ay naitalaga sa Hollywood Walk of Fame noong Marso 2011 at sa Canada's Walk of Fame, Canadian Broadcast Hall of Fame noong 1998. At noong Abril 2006 ay naitalaga rin siya sa Canadian Music Hall of Fame sa Juno Awards sa Canada. Noong 2008, si Adams ay pangtatlumpu't sa listahan ng mga nangungunang artista ng musika sa Billboard Hot 100 50th Anniversary Charts. Noong Enero 13, 2010, siya ay nakatanggap ng Allan Waters Humanitarian Award dahil sa kanyang mga konsiyertong pangcharity at mga kampanya sa kabuuan ng kanyang pagiging mang-aawit, at noong Mayo 1, 2010 ay nabigyan naman ng Governor General's Performing Arts Award dahil sa kanyang 30 taon na kontribusyon sa sining.

Ang kanyang unang self-titled (sariling-pinangalang) album ay inilabas noong Pebrero 1980, na nagmarka ng simula ng mahabang samahan nina Adams at Jim Vallance (katulong sa pagsulat) sa pagsusulat ng kanta. Maliban sa "Remember" at "Wastin' Time," karamihan ng kanta sa album ay nai-rekord mula noong Oktubre 29 hanggang sa Nobyembre 29, 1979 sa Manta Studios sa Toronto at parehong ginawa nina Adams at Vallance. Ang album ay ginawaran ng gintong sertipiko sa Canada noong 1986.