Buenos Aires Institute of Technology
Ang Buenos Aires Institute of Technology (Espanyol: Instituto Tecnológico de Buenos Aires - ITBA) ay isang pribadong unibersidad na matatagpuan sa lungsod ng Buenos Aires sa Argentina. Ang pokus nito ay sa teknolohiyang pang-impormasyon, negosyo at inhenyeriya. Sa kabila ng pagiging isang maliit na unibersidad, na mayroon lamang humigit-kumulang 1500 mag-aaral sa antas undergraduate, ang ITBA ay itinuturing na isa sa pinakamahusay na paaralang teknolohiko sa Amerikang Latino, na may taunang pagtatapos na 200 inhinyero. Ang ITBA ay may mga kasunduan sa higit 50 unibersidad sa 20 bansa.
34°38′29″S 58°24′23″W / 34.64150712°S 58.40639193°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.