Bulubundukin ng Kaukasya

(Idinirekta mula sa Bulubundukin ng Caucasus)

Ang Bulubundukin ng Kaukasya (Ingles: Caucasus Mountains) ay isang bulubundukin sa Eurasia sa pagitan ng Dagat Itim at Dagat Kaspiyo sa rehiyon ng Kaukasya.

Bulubundukin ng Kaukasya
Bulubundukin
Ang mga pinahanan sa Khinalug sa Aserbayan ay may kasaysayan ng 5,000 taon at isa sa pinakamatandang pook sa buong mundo.
Mga bansa Timog Rusya, Heorhiya, Aserbayan, Armenya, Hilagang Iran, Turkiya
Pinakamataas na tuldok Bundok Elbrus
 - elevation 5,642 m (18,510 ft)
 - coordinates 43°21′18″N 42°26′31″E / 43.35500°N 42.44194°E / 43.35500; 42.44194
Haba 1,100 km (684 mi)
Lapad 160 km (99 mi)
Satellite image

Binubuo ang Bulubundukin ng Kaukasya nang dalawang sisteman ng mga bundok:

Ang Bulubundukin ng Malaking Kaukasya ay nakalatag mula Caucasian Natural Reserve sa may Sochi sa hilagang silangang dalamapasigan ng Dagat Itim, na binabagtas ang direksiyon mula silangang patimog-silangan at aabot malapi sa Baku sa Dagat Kaspiyo, samantalang ang Munting Kaukasya ay tumatakbo kahilera ng mas malaking bulubundukin, sa distansiya na mahigit-kumulang 100 km (60 mi) sa timog. Ang Bulubundukin ng Meskheti ay bahagi ng Munting Kaukasya. Ang Malaki at Munting Bulubundukin ng Kaukasya ay konektado ng Bulubundukin ng Likhi, na naghihiwalay sa Kapatagan ng Kolkhida mula sa Kapatagan ng Kura-Aras. Sa timog-silangan naman ang Bulubundukin ng Talysh. Ang Munting Kaukasya at ang Paltok ng Armenya ang bumubuo sa Paltok ng Transkaukasya. Ang pinakamataas na tugatog sa bulubundukin ng Kaukasya ay ang Bundok Elbrus sa Malaking Kaukasya, na may taas na 18,506 piye (5,642 metro) sa lebel ng dagat. Ilang mga bundok malapit sa Sochi ang pagdarausan ng ilang bahagi ng Palarong Olimpiko sa Taglamig 2014.

Natatanging mga tugatog

baguhin

Nasa talaan ang pinakamatataas na tugatog ng Kaukasya. Maliban sa Shkhara, kinuha ang taas mul sa Sobyet 1:50,000. May mga mas mataas at mas kilala, subalit walang pangalan, na mga tugatog kesa sa mga nakatala sa ibaba.

Pangalan ng Tugatog Elebasyon (m) Kilala (m) Bansa
Elbrus 5,641 4,741 Rusya
Dykh-Tau 5,205 2,002 Rusya
Shkhara 5,201 1,365 Rusya/Heorhiya
Koshtan-Tau 5,152 822 Rusya
Janga (Jangi-Tau) 5,059 300 Rusya/Heorhiya
Kazbek 5,047 2,353 Rusya/Heorhiya
Pushkin 5,033 110 Rusya/Heorhiya
Katyn-Tau 4,979 240 Rusya/Heorhiya
Shota Rustaveli 4,860 c.50 Rusya/Heorhiya
Tetnuld 4,858 672 Heorhiya

Tingnan din: Talaan ng mga kilalang bundok sa Kaukasya

Tingnan din

baguhin
  • Small Nations and Great Powers: A Study of Ethnopolitical Conflict in the Caucasus By Svante E. Cornell

Mga sanggunian

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin

42°30′N 45°00′E / 42.500°N 45.000°E / 42.500; 45.000