Ang bulutong-tubig o bulutung-tubig[1] (Ingles: chickenpox), na nakikilala rin bilang varicella ay isang uri ng karamdaman na kakikitaan ng pamamaltos at singaw sa balat na may kasamang pangangati, lagnat, at pagkahapo.[2] Nakapag-iiwan ito ng mga pekas o peklat sa ibabaw ng balat. Dahil sa mga ito, maaaring magkaroon ang may ganitong sakit ng matinding impeksiyon ng balat, mga pilat, pulmunya, pinsala sa utak, o kaya ay kamatayan. Gayondin, pagkalipas ng ilang mga taon, maaaring lumitaw muli ang sakit na ito bilang isang uri ng "buni", na nakikilala sa Ingles bilang herpes zoster o shingle, isang masakit na singaw sa balat. Ang karamdamang ito ay nakakahawa ng ibang tao sa pamamagitan ng hangin. Maaari ring kumalat ang bulutong-tubig sa pamamagitan ng pagkakadikit sa likidong nanggaling sa paltos na dulot ng karamdamang ito. Bago nalikha ang bakuna laban sa bulutong-tubig, naging malaganap muna ang karamdamang ito sa Estados Unidos.[2]

Isang batang may bulutong-tubig.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Bulutung-tubig". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 BAKUNA LABAN SA MMRV (TIGDAS, BIKI, RUBELLA at VARICELLA) ANG KAILANGAN NINYONG MALAMAN, immunize.org

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.