Moria

(Idinirekta mula sa Bundok Moriah)

Ang Moriah o Lupain ng Moriah ay isang pangalan ibinigay sa isang nasasakupan ng bulubundukin sa Aklat ng Henesis sa Lumang Tipan ng Bibliya, kung saan ang diwa ay para sa isang lugar na malapit sa pagsasakripisyo o pag-aalay kay Isaac ni Abraham sa Diyos. Sa nakaugalian, ipinapaliwanag ang Moriah bilang isang pangalan ng partikular na bundok na pinangyarihan nito, sa halip na isang sakop ng bulubundukin. Gayundin ang pagpapaunawa ni Jose C. Abriol, na nagsasaad na hindi rin natitiyak "kung alin ang pook na ito" bagaman kapangalan din ito ng isang bundok na pinagtayuan ni Solomon ng isang templo. Batay sa salin ng Lumang Tipang nasa Griyego, isang "mataas na lupain" ang Moriah. Batay naman sa Siryako, ito ang "lupain ng mga Amorreo".[1]

Sanggunian

baguhin
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Paliwanag ukol sa Lupain ng Moriah". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 37.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.