Actinidia deliciosa

(Idinirekta mula sa Bungang kiwi)

Ang bungang kiwi, kiwing bunga, kiwing prutas, o prutas na kiwi, ang Actinidia deliciosa (Ingles: kiwifruit), na pinaiiksi bilang kiwi, ay isang uri ng bunga o prutas na may hugis na habilog at kulay lunti sa loob na mayroong maliliit na mga butong maiitim at nakakain din. Mayroon mabalahibong balat na kayumanggi ang kiwi, na nakakain ngunit kadalasang tinatanggalan ng balat bago kainin. May pagkamanipis ang balat nito. Katutubo ang kiwi sa Timog Tsina.

Bungang kiwi
Prutas na kiwi.
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Asterids
Orden: Ericales
Pamilya: Actinidiaceae
Sari: Actinidia
Espesye:
A. deliciosa
Pangalang binomial
Actinidia deliciosa
C.F. Liang & A.R. Ferguson.

Pangalan

baguhin

Pinangalanan ang kiwi noong 1959 pagkaraang hanguin ang katawagan mula sa pangalan ng ibong kiwi, isang ibong sagisag ng Bagong Selanda. Bago ito, tinatawag ang prutas bilang Gansang-beri ng Tsina (mula sa Ingles na Chinese gooseberry).

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Prutas, Pagkain at Puno ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.