Para sa ibang gamit, tingnan ang Buod (paglilinaw).

Ang buod o ubod (sustansiya, substance sa Ingles) ay ang kalooban ng isang bagay na nagbibigay-katiyakan dito. Hindi maaaring umiral ang isang bagay kung wala nito. Mula sa salitang-ugat na "sub" (under; ilalim) at "stare" (to stand; tumayo/tumindig) sa wikang Latin ang salitang "substance" sa Ingles. Kapag nahukay na natin ang paimbabaw na pagkakabalot ng isang bagay, doon pa lamang natin makikita ang pang-ilalim na sandigan ng isang bagay. Masasabi din natin na "pinakapuso" ng isang bagay ang kanyang "buod"/"pinakabuod".

Para kay Aristoteles at ilan sa mga pilosopong kasunod nito, nagtataglay ng katangian at anyo ang buod.

Tingnan dinBaguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.