Ang búrol ay isang seremonya na may kaugnayan sa patay. Sa tradisyon, dinadaos ang burol sa bahay ng namatayan, kung saan naroon ang patay; bagaman, maaring gawin sa punerarya o kaya sa kapilya ang burol. Isa rin itong pagtitipong panlipunan para sa patay, na ginagawa bago ang isang libing at minsan ay ipinagdiriwang ang naging buhay ng namatay.

Burol (pagpapakita sa museo)

Sa Estados Unidos at Canada, kasing-kahulugan ito ng viewing (pagsilip). Madalas itong isang sermonyang panlipunan na binibigyan-diin ang ideya na ang pagkawala ay isa sa pangkat panlipunan at nakakaapekto sa pangkat na yaon bilang isa.[1] Sa Reino Unido at ilang bahagi ng Komenwelt, kung saan hindi nakaugalian na magkaroon ng pagsilip bago ang libing, ginagamit kadalasan ang katawagan para sa isang pagtitipon na ginagawa pagkatapos ng libing.[2]

Sa wikang Ingles, tinatawag itong wake na tumutukoy sa panalanging paglalamay sa malalim na gabi subalit ginagamit na ngayon madalas para sa interaksyon sa kapwa na kasama ng isang libing. Habang ang makabagong gamit ng pandiwang wake ay "maging alerto o manitiling alerto," binabalik-tanaw ng wake para sa patay ang paglalamay, "bantay" o "guwardiya" noong unang panahon. Isang maling kuro-kuro na ang mga tao sa isang wake ay naghihintay sa patay na gumising o "mag-wake-up".[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Metcalf, Peter & Richard Huntington (1991). Celebrations of Death: The Anthropology of Mortuary Ritual. Cambridge Press, New York. (sa Ingles)
  2. "Planning a funeral service" (sa wikang Ingles). Which? magazine. 2019-08-09. Nakuha noong 2019-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. [1] Ivan Brunetti; Wilton, David A. (2004). Word myths: debunking linguistic urban legends (sa wikang Ingles). Oxford [Oxfordshire]: Oxford University Press. ISBN 0-19-517284-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)