Samurai

(Idinirekta mula sa Bushi)

Ang samurai () , mononofu, o bushi, ay ang mga kasapi ng uring militar ng sinaunang Hapon. Samakatuwid, sila ang mga mandirigma noong kanilang kapanahunan. Nagmula ang salitang samurai sa pandiwang Hapones na saburai, na nangangahulugang paglingkuran (ang isang tao). Namuhay ang mga samurai noong kapanahunang Edo. Sila ang mga maharlikang militar ng Hapon bago sumapit ang industriyalisasyon. Ayon sa tagapagsalinwikang si William Scott Wilson: "Sa Intsik, orihinal na nangangahulugang maghintay o samahan ang isang taong nasa mataas na hanay ng lipunan ang karakter na 侍, at totoo rin ito sa orihinal na salitang Hapones, ang saburau. Sa kapwa bansa naging kahulugan ng salita ang "ang mga naglilingkod na malapit sa mga maharlika," na nagbago at naging saburai ang pagbigkas sa Hapones."[1] Ayon kay Wilson, lumitaw ang isang maagang pagtukoy sa salitang samurai sa Kokinshu o Kokin Wakashu[2], ang unang imperyal na kalipunan ng mga tula, nakumpleto noong unang bahagi ng ika-sampung daantaon. Sa pagwawakas ng ika-12 daantaon, halos naging kasingkahulugan ng bushi ang saburai (武士) at naging kalapit na kaugnay ng nasa gitna at matataas na kahanayan ng mga uring mandirigma.

Isang Hapones na samurai na may suot na baluti noong mga 1860. Kuha ito ni Felice Beato.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Salin mula sa Ingles na: "In Chinese, the character 侍 was originally a verb meaning to wait upon or accompany a person in the upper ranks of society, and this is also true of the original term in Japanese, saburau. In both countries the terms were nominalized to mean "those who serve in close attendance to the nobility," the pronunciation in Japanese changing to saburai."
  2. Kokinshu, 古今和歌集 (Kokin wakashu), What is Kokin Wakashu?, pagpapakilala ni Lewis Cook (patnugot), Japanese Text Initiative, Aklat ng Pamantasan ng Virginia, Etext.lib.Virginia.edu

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.