Butonsilyo
Ang mga butonsilyo[3] (Ingles: daisy[3][4]) o ang pamilyang Asteraceae o Compositae (kilala sa Ingles bilang aster, daisy, o pamilyang sunflower o mag-anak ng mga mirasol) ay ang pinakamalaking pamilya ng mga halamang namumulaklak, ayon sa bilang ng mga uri. Katulad o kauri ito ng mga krisantemo.[3] Alin man ang mga ito sa mahigit na sa isandaang mga uri na katutubo sa Europa ngunit laganap na sa Hilagang Amerika.[4]
Asteraceae | |
---|---|
A poster with twelve different species of Asteraceae from the Asteroideae, Cichorioideae and Carduoideae subfamilies | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Asterales |
Pamilya: | Asteraceae Bercht. & J.Presl |
Tipo ng genus | |
Aster | |
Subfamilies | |
Asteroideae Lindley | |
Dibersidad | |
[[List of Asteraceae genera|1,600 genera]] | |
Kasingkahulugan | |
Compositae Giseke |
Namumulaklak ang puting butonsilyo, o butonsilyong may matang-kapong baka (ox-eye daisy), tuwing tag-araw na may bulaklak na may lapad na 1 hanggang 2 pulgada, at may maningning na dilaw sa gitna at may "sinag" na 20 hanggang 30 ang habang balingkinitan.[4] Mayroon ding mga uring dilaw ang bulaklak na may itim na gitna, katulad ng Susanang may matang itim (black-eyed Susan). Mayroon pa ring mga uring may dilaw na gitna ngunit may bughaw o rosas na sinag o talulot.[4] Ngunit pangkaraniwan ang mga butonsilyong may maliliit na mga bulaklak na may dilaw na gitna at puting mga talulot.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Scott, L.; Cadman, A; McMillan, I (2006). "Early history of Cainozoic Asteraceae along the Southern African west coast". Review of Palaeobotany and Palynology. 142: 47. doi:10.1016/j.revpalbo.2006.07.010.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Germplasm Resources Information Network (GRIN). "Family: Asteraceae Bercht. & J. Presl, nom. cons". Taxonomy for Plants. USDA, ARS, National Genetic Resources Program, National Germplasm Resources Laboratory, Beltsville, Maryland. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-23. Nakuha noong 2008-06-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Gaboy, Luciano L. Daisy, butonsilyo, uri o tulad ng krisantemo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 "Daisy". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 373. - ↑ "Daisy". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 49.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Bulaklak, Halaman at Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.