Buwan ng Kababaihan
Ang Buwan ng Kababaihan (Ingles: Women's Month) ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap sa buong buwan ng Marso upang bigyang-pansin ang mga naiambag ng mga kababaihan sa iba't ibang aspeto ng buhay at upang itaguyod ang kanilang mga karapatan at kapakanan. Sa Pilipinas, nag-ugat ang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa proklamasyon noong 1988 ng noo'y Pangulong Corazon Aquino sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 227 s. 1988 na idineklera ang buwan ng Marso bilang Buwan ng Ginampanan ng Kababaihan sa Kasaysayan.[1][2]
Noong 2020, naapektuhan ng pandemya ng COVID-19 ang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan dahil sa mga paghihigpit sa pagpupulong at mga pampublikong aktibidad. Gayunpaman, hindi ito nakapigil sa mga aktibista, organisasyon, at ahensiya ng gobyerno na magbigay ng mensahe tungkol sa kahalagahan ng kababaihan sa lipunan. Sa pamamagitan ng mga virtual na pagtitipon, pagsusulat ng mga artikulo, at online na mga kampanya, ipinakita ang mga isyu at hamon na kinakaharap ng mga kababaihan sa panahon ng pandemya, kabilang ang pagtaas ng kaso ng karahasan sa tahanan at ang mga oportunidad na nawawala sa trabaho dahil sa pagbabago ng ekonomiya. Sa kabila ng mga hamong ito, nananatiling matatag ang pakikibaka ng mga kababaihan at patuloy nilang ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan at pagkilala sa kanilang kontribusyon sa lipunan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "National Women's Month". Philippine Commission on Women (Komisyon sa Kababaihan ng Pilipinas). 2023-03-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PH hails women this March; gov't launches 'Purple Wednesdays' campaign". ABS-CBN News. 2023-02-28. Nakuha noong 2023-03-24.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)