Buzz Aldrin
Si Edwin Eugene "Buzz" Aldrin, Jr. (ipinanganak noong Enero 20, 1930) ay isang astronotang Amerikano, at ang ikalawang tao na lumakad sa ibabaw ng Buwan. Siya ang kasamang piloto ng modulong lunar na nakasakay sa Apollo 11, ang unang paglapag sa Buwan na may lulang tao sa kasaysayan.[1] Noong Hulyo 20, 1969, tumuntong siya sa Buwan, kasunod ng komander ng misyon na si Neil Armstrong. Isa rin siyang retiradong piloto ng Puwersang Panghimpapawid ng Estados Unidos.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R111.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.