Ang Cölln (Aleman: [ˈkœln]) ay ang kakambal na lungsod ng Lumang Berlin (Alt-Berlin) mula ika-13 siglo hanggang ika-18 siglo. Matatagpuan ang Cölln sa seksiyon ng Pulo ng Mangingisda ng Pulo Spree, sa tapat ng Altberlin sa kanlurang pampang ng Ilog Spree, hanggang sa ang mga lungsod ay pinagsama ni Federico I ng Prusya upang bumuo ng Berlin noong 1710. Ngayon, ang dating pook ng Cölln ay ang makasaysayang pusod ng modernong lokalidad ng Mitte ng boro ng Berlin-Mitte sa sentrong Berlin.

Isang 1686 na mapa ng Berlin at mga kalapit na lungsod na may Cölln na may label na "B" at nakadilaw.
Mga Kapitbahayan sa Berlin-Mitte: Lumang Cölln [1] (na may Pulo ng mga Museo [1a], Fischerinsel [1b]), Alt-Berlin [2] (na may Nikolaiviertel [2a]), Friedrichswerder [3], Neukölln am Wasser [4], Dorotheenstadt [5], Friedrichstadt [6], Luisenstadt [7], Stralauer Vorstadt (kasama ang Königsstadt) [8], Pook ng Alexanderplatz (Königsstadt at Altberlin) [9], Spandauer Vorstadt [10] (kasama ang Scheunenviertel [10a]), Friedrich-Wilhelm-Stadt [11], Oranienburger Vorstadt [12], Rosenthaler Vorstadt [13

Kasaysayan

baguhin
 
Cölln: Brüderstraße at San Pedro noong ika-19 na siglo, ni Eduard Gaertner

Ang Cölln ay unang binanggit sa isang gawa noong 1237, na tumutukoy sa isang pari na si Symeon ng Cölln (Symeon de Colonia) ng Simbahan ng San Pedro bilang saksi. Ang petsang ito ay karaniwang itinuturing na pinagmulan ng Berlin, kahit na ang Altberlin sa silangang pampang ng Spree river ay hindi binanggit bago ang 1244 at ang mga bahagi ng modernong Kautusan ng Kalakhang Berlin, gaya ng Spandau at Köpenick, ay higit na matanda pa.

Ang Cölln at Altberlin ay pinaghiwalay lamang ng ilog Spree, na pinagdugtong ng pedraplen ng Mühlendamm, kaya nagkaroon ng malapit na ugnayan sa simula pa lang. Dahil ang rutang pangkalakalan mula Magdeburg hanggang Frankfurt (Oder) ay tumatawid sa kambal na bayan at dumaan din dito ang mga ruta ng transportasyong pantubig sa loob ng bansa, mabilis na umunlad ang Cölln-Berlin. Ang pangalawang tawiran, ang Lange Brücke (Mahabang Tulay), ngayon ang Rathausbrücke (Tulay ng Munisipyo) ay itinayo sa kabila ng Spree noong 1307 na may isang komun na munisipyo sa gitna nito.

Mga sanggunian

baguhin
baguhin

  May kaugnay na midya ang Cölln sa Wikimedia CommonsPadron:Berlin-Mitte