Si CR Rajagopalan (c. 1957 – January 31, 2022) ay isang Indianong manunulat, guro, at aktibista sa kapaligiran mula sa Kerala. Nagtrabaho si Rajagopalan para sa pagsubaybay at pagpapanatili ng tradisyong-pambayan alamat at kultura ng tribo.[1] Sumulat siya ng ilang mga libro sa pamana at pag-aaral ng alamat. Nakatanggap siya ng mga parangal mula sa Akademya ng Tradisyong-pambayan ng Kerala at Kerala Sangeetha Nataka Akademi.

Talambuhay

baguhin

Si Rajagopalan ay ipinanganak kina Rama Panicker at Narayani Amma sa Perumpullissery sa Distrito Thrissur ng Kerala.[2] Nag-aral siya sa CNN High School, Pampamahalaang Kolehiyo ng Thrissur at Kolehiyo Sri Kerala Varma.[kailangan ng sanggunian] Ginawa niya ang kaniyang PhD sa mga teatrikong aspekto ng mga maskara na ginamit sa Theyyam, Kummatti, Thirapputnam, Krishnanattam, at ang kaugnayan ng mga ito sa modernong mga kasanayan sa teatro, mula sa Pamantasan ng Calicut. Naglingkod siya bilang isang katuwang na propesor sa Kolehiyo Kerala Varma, Thrissur at Dekano sa Unibersidad ng Kerala.[3] Nakatanggap siya ng Junior Fellowship mula sa Unyon Ministro ng Kultura, Pamahalaan ng India, at gumawa ng Proyekto sa Etnikong Musko at Major Project on National Aesthetics of Folk Theater ng UGC.[kailangan ng sanggunian] Si Rajagopalan ay nagsilbi rin bilang Direktor ng Nattarivu Padana Kendram, isang sentro para sa pag-aaral ng alamat sa Thrissur,[4] at direktor ng Pandaigdigang Sentro para sa Araling Kerala (International Centre for Kerala Studies / ICKS) ng campus ng Pamantasan ng Kerala Kariavattom.[5]

Nag-akda siya ng ilang mga libro sa alamat, nagdirekta ng mga album ng mga katutubong awit at dokumentaryo sa katutubong-pambayan at nagpresenta ng mga papel sa Gresya, Tsina, Polonya, Italya, Inglatera, Suwisa, Roma, Geneva, at Oxford.[2] Naging Pangkalahatang Patnugot din siya ng DC Books Nattarivukal, isang serye ng 20 libro sa kaalamang-pambayan, at ang patnugot ng Krishi Geetha.[2] Dumalo siya sa Heritage Knowledge Meeting ng World Intellectual Property Organization na nakabase sa Geneva.[2] Siya ay isang regular na tagapag-ambag sa mga peryodiko sa alamat.[6]

Si Rajagopalan ay aktibong kasangkot sa iba't ibang kilusan laban sa polusyon sa kapaligiran at isang seryosong tagasuporta ng pangangalaga sa kapaligiran, alternatibong politika at pamumuhay.[7] Ang kaniyang suporta ay naging instrumento sa paglalathala ng Malayalam na salin ng aklat na One Straw Revolution ng magsasaka at pilosopong Hapones na si Masanobu Fukuoka.[7]

Personal na buhay at pagkamatay

baguhin

Si Sheetal V. S. ang kaniyang asawa.[3] Namatay siya mula sa COVID-19 noong 31 Enero 2022, sa edad na 64. Sa isang nota ng pakikiramay, sinabi ng Ministro ng mas Mataas na Edukasyon at Hustisyang Panlipunan ng Kerala na si R. Bindu na ang yumaong Rajagopalan ay kasingkahulugan ng mga pag-aaral ng alamat.[7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. [kailangan ng sanggunian]
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "പ്രശസ്ത ഫോക്ക് ലോറിസ്റ്റ് സി.ആർ.രാജഗോപാലൻ അന്തരിച്ചു". Kairali News | Kairali News Live. 31 Enero 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Folklore researcher C.R. Rajagopalan no more". The Hindu (sa wikang Ingles). 31 Enero 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. ലേഖകൻ, മാധ്യമം (31 Enero 2022). "അധ്യാപകനും എഴുത്തുകാരനുമായ ഡോ.സി.ആർ രാജഗോപാലൻ അന്തരിച്ചു | Madhyamam". www.madhyamam.com (sa wikang Malayalam).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Tunes of tradition". The New Indian Express. Nakuha noong 2022-02-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "ഡോ. സി. ആര്‍. രാജഗോപാലന്‍ അന്തരിച്ചു". DoolNews (sa wikang Ingles).
  7. 7.0 7.1 7.2 Feb 1, T. Ramavarman /. "rajagopalan: Folklore Scholar Rajagopalan Dies | Kochi News - Times of India". The Times of India (sa wikang Ingles).