C. S. Lewis
Si Clive Staples Lewis (29 Nobyembre 1898 – 22 Nobyembre 1963) ay isang Briton na nobelista, makata, akademiko, medyebalista, kritikong pampanitikan, sanaysay, teologong pangkaraniwan, tagapagbalita sa radyo, lektor, at apolohetikong Kristiyano. Pinakakilala siya para sa kanyang mga gawang piksyon, lalo na ang The Screwtape Letters, The Chronicles of Narnia, at The Space Trilogy, at para na kanyang mga 'di-piksyon na apolohetikang Kristiyano, tulad ng Mere Christianity, Miracles, at The Problem of Pain.
C. S. Lewis | |
---|---|
Kapanganakan | Clive Staples Lewis 29 Nobyembre 1898 Belfast, Irlanda |
Kamatayan | 22 Nobyembre 1963 Oxford, Inglatera | (edad 64)
Sagisag-panulat | Clive Hamilton, N. W. Clerk |
Trabaho | Nobelista, iskolar, tagapagbalita sa radyo |
Alma mater | University College, Oxford |
Kaurian | Apolohetikang Kristiyana, pantasya, kathang-isip na salaysaying pang-agham, panitikang pambata |
(Mga) kilalang gawa | The Chronicles of Narnia Mere Christianity The Allegory of Love The Screwtape Letters The Space Trilogy Till We Have Faces Surprised by Joy: The Shape of My Early Life |
(Mga) asawa | Joy Davidman (k. 1956; namatay 1960) |
Si Lewis at kapwa nobelistang si J. R. R. Tolkien ay malapit na magkaibigan. Sila ay parehong nagsilbi sa kaguruan ng Ingles sa Oxford University, at naging aktibo sa impormal na grupo ng pampanitikan sa Oxford na kinilala bilang ang Inklings. Ayon sa talang-gunita ni Lewis na Surprised by Joy, nabautismuhan siya sa Simbahan ng Irlanda, ngunit nahulog mula sa kanyang pananampalataya sa pagbibinata. Bumalik si Lewis sa Anglikanismo sa edad na 32, dahil sa impluwensya ni Tolkien at iba pang mga kaibigan, at naging "karaniwang ordinaryong tao ng Simbahan ng Inglatera".[1]
Nagsulat si Lewis ng mahigit 30 aklat,[2] na naisalin sa mahigit 30 wika at nakapagbenta ng mga milyon na kopya.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Lewis, C. S. (1997) [1952]. Mere Christianity. London: Collins. ISBN 978-0060652920.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Richard B. Cunningham, C. S. Lewis: Defender of the Faith, Wipf and Stock Publishers (2008), p. 14