Carlos Castillo Armas

Pangulo ng Guatemala mula 1954 hanggang 1957

Si Carlos Castillo Armas ( lokal na pagbanggit ['kaɾlos kas'tiʝo 'aɾmas ] ; 4 Nobyembre 1914 – 26 Hulyo 1957) ay isang Guwatemalyan na opisyal ng militar at politiko na naging ika-28 pangulo ng Guatemala, kung saan naglingkod siya mula 1954 hanggang 1957 pagkatapos kumuha ng kapangyarihan sa isang kudeta. Isang miyembro ng right-wing National Liberation Movement (MLN) party, ang kanyang awtoritaryang pamahalaan ay malapit na kaalyado sa Estados Unidos.

Carlos Castillo Armas
Si Castillo Armas noong 1954
ika-28 Pangulo ng Guatemala
Nasa puwesto
7 Hulyo 1954 – 26 Hulyo 1957
Nakaraang sinundanElfego Hernán Monzón Aguirre
Sinundan niLuis González López
Personal na detalye
Isinilang4 Nobyembre 1914(1914-11-04)
Santa Lucía Cotzumalguapa, Guatemala
Yumao26 Hulyo 1957(1957-07-26) (edad 42)
Lungsod ng Guatemala, Guatemala
Dahilan ng pagkamatayAsasinasyon
Partidong pampolitikaNational Liberation Movement
AsawaOdilia Palomo Paíz[1]
TrabahoAlagad ng militar
Pirma

Pinanganak bilang magsasaka, dahil sa hirap ng buhay, nag-aral si Castillo sa isang paaralang pangmilitar. Isang protégé ni Kolonel Francisco Javier Arana, sumali siya sa puwersa ni Arana sa kalagitnaan ng pag-aalsa noong 1944 laban kay Pangulong Federico Ponce Vaides. Ito ay nagpasimula ng Rebolusyong Guatemalyan at ang pagpasok ng representanteng demokrasya sa bansa. Si Castillo Armas ay sumali sa Pangunahing Tauhang Militar at naging direktor ng paaralang pangmilitar ng Guwatemala. Sina Arana at Castillo Armas ay hindi sang-ayon sa pamumuno ni Juan José Arévalo; kaya pagkatapos ng nabigong kudeta kay Arena noong 1949, umalis si Castillo Armas sa bansa at tumakas sa Honduras. Dahil sa kagustuhan na mag-alsa muli, kumuha siya ng tulong sa US Central Intelligence Agency (CIA). Noong 1950 sinubukan niya na salakayin ang Lungsod ng Guatemala ngunit nabigo, tumakas siya muli sa Honduras.

Si Castillo Armas at ang kanyang Movimiento de Liberación Nacional ay ginamit ng gobyerno ng Estados Unidos sa ilalim ni Dwight D. Eisenhower sa pamamagitan ng CIA para sa Operasyon PBSuccess. Ito ay upang ibagsak ang sosyalista-demokratikong pangulo na si Jacobo Árbenz Guzmán.[2]

Naging kontrobersyal ang kanyang panunungkulan bilang pangulo. Kilala si Castillo Armas bilang isang kurap na politiko, kung saan pinapatay niya ang kung sino ang umoposisyon sa kanya. Ang ilan dito ay pagpapatahimik sa mga kritiko, brutalidad ng kapulisyahan, at iba't-ibang iskandalo tungkol sa kakulangan ng produksyon at pagkain ng bansa.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Way 2012, p. 78.
  2. Lieuwen, Edwin (1982-11-01). "The CIA in Guatemala: The Foreign Policy of InterventionBitter Fruit: The Untold Story of the American Coup in Guatemala". Hispanic American Historical Review. 62 (4): 706–709. doi:10.1215/00182168-62.4.706. ISSN 0018-2168.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "GUATEMALA: Cops & Scandals". Time (sa wikang Ingles). 1955-10-17. ISSN 0040-781X. Nakuha noong 2023-03-26.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)