Carmelita
(Idinirekta mula sa Carmelite)
Ang Orden ng Mahal na Birhen ng Bundok Carmelo (Latin: Ordo Fratrum Beatissimæ Virginis Mariæ de Monte Carmelo, Ingles: Order of the Brothers of Our Lady of Mount Carmel) na higit na kilala bilang Orden ng mga Carmelita ay isang relihiyosong orden na mula pa noong ika-12 siglo. Hindi tulad ng karamihan sa mga orden, hindi matiyak kung sino at kailan talaga itinatag ang Orden ng mga Carmelita. Ang paniwala ay ito'y nagsimula nang ang isang grupo ng mga ermitanyo, kasama rito si San Bartolo, ay nanirahan sa Bundok Carmelo sa Palestina (ngayon bahagi na ng hilagang Israel) mahigit 800 taon na ang nakararaan.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "History: Introduction." Order of Carmelites. [1] Naka-arkibo 2011-07-26 sa Wayback Machine.. (Hinango 2011-06-02). (sa Ingles)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.