Karniboro

(Idinirekta mula sa Carnivore)

Ang karniboro[1] (Ingles: carnivore, carnivorous) ay isang organismo na hinahango ang kanyang enerhiya at mga pangangailangang pangsustansiya mula sa isang diyeta na pangunahing binubuo ng karne o natatangi na pulos karne lang, na maaaring nakakamtan niya sa pamamagitan ng paninila (predasyon) o pagkain ng patay at nabubulok na mga materyang organiko.[2][3] Ang mga hayop na nakasalalay lamang sa karne ng hayop para sa kanilang mga pangangailangang pangnutrisyon ay itinuturing na mangangain ng karne o karniborong "obligado" (umiiral o nabubuhay lamang isang partikular na kapaligiran o may gampanin sa kapaligirang iyon), samantalang ang mga organismong kumakain din ng pagkaing hindi hayop ay itinuturing na "pakultatibo" (mapili).[3] Ang mga omniboro (walang hindi kinakain o walang inaayawang pagkain) ay kumukunsumo ng kapwa hayop at hindi hayop na mga pagkain, at bukod sa mas pangkalahatang kahulugan, ay walang malinaw na panumbasan ng materyal na halaman sa materyal na hayop na maipagkakaiba ang isang karniborong pakultatibo mula sa isang omniboro, o ang isang omniboro mula sa isang mangangain ng halaman o herbiborong pakultatibo.[4] Ang mangangain ng karneng nasa ituktok ng tanikala ng pagkain ay isang maninilang pangtuktok. Ang mga halaman na nanghuhuli at tumutunaw ng mga kulisap ay tinatawag na mga halamang mangangain ng karne. Gayon din, ang halamang-singaw na nambibihag ng mga mikroskopikong hayop ay kadalasang tinatawag na halamang-singaw na mangangain ng karne.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Almario, Virgilio, pat. (2010). "karniboro; carnivore". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Nutrient Requirements: Carnivores. Duane E. Ullrey. Encyclopedia of Animal Science.
  3. 3.0 3.1 Mammals: Carnivores. Duane E. Ullrey. Encyclopedia of Animal Science.
  4. Mammals: Omnivores. Duane E. Ullrey. Encyclopedia of Animal Science.