Carol Higgins Clark

Si Carol Higgins Clark (ipinanganak noong 1956) ay isang Amerikanang may-akda ng misteryo at aktres sa telebisyon, teatro, at pelikula.[1] Siya rin ang anak na babae ng kanyang kasamang manunulat ng mga kuwentong makapigil-hininga (suspense writer sa Ingles) na si Mary Higgins Clark, at nakapagsulat ng ilang mga nobela habang katambal sa gawaing ito ang kanyang ina.

Carol Higgins Clark
Kapanganakan1956
Lungsod ng Bagong York, Bagong York, Estados Unidos
TrabahoNobelista
KaurianMisteryo

Ipinanganak sa Lungsod ng Bagong York, natanggap ni Clark ang kanyang B.A. mula sa Dalubhasaan ng Bundok Holyoke (Mount Holyoke College)[1] noong 1978, nag-aral ng pag-arte sa Beverly Hills Playhouse. Siya ang may-akda ng mga seryeng misteryoso na Regan Reilly. Gumanap din siya sa ilang mga pelikula, katulad ng pantelebisyong A Cry in the Night at mga pagtatanghal sa teatro.[1]

Noong 11 Oktubre 2006, natamaan ng isang maliit na eruplano ang kanyang gusaling pang-apartamentong The Belaire. Minamaneho ng pitser o tagahagis ng bola ng New York Yankees na si Cory Lidle. Nasa ibaba lamang ng sona ng pagtama ang kanyang ika-38 palapag na kondominyum.

Lumitaw si Clark sa palabas na palarong To Tell The Truth.

Mga nobela

baguhin
  • 1992 Decked[1]
  • 1993 Snagged
  • 1995 Iced
  • 1998 Twanged
  • 2001 Fleeced
  • 2002 Jinxed[1]
  • 2003 Popped
  • 2005 Burned
  • 2006 Hitched
  • 2007 Laced
  • 2008 Zapped
  • 2009 Cursed

Katulong sa pagsulat ang kanyang ina

  • Deck the Halls
  • He Sees You When You're Sleeping[1]
  • The Christmas Thief
  • Santa Cruise
  • Dashing Through the Snow

Mga sanggunian

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin