Ang casette (tinatawag din sa Ingles na audio cassette, cassette tape, Compact Cassette, o tape[T 1]) ay isang uri o format ng magnetic tape na para sa pagrerekord ng tunog. Una itong idinisenyo para sa mga makinang pangdikta (dictation), subalit ang mga pagpapainam fidelity o "katumpakan" ay humantong na mahalinhan ng audio casette ang cartridge o "bala" na Stereo 8-track (may walong bakas na pang-estereo) at ang pangrekord na tape na reel-to-reel (mula sa ikiran ng tape papunta sa isa pang ikiran ng tape) para sa mga paggamit na hindi pampropesyunal.[1] Ang paggamit nito ay sumasaklaw magmula sa portable audio o portatil (nadadala kahit saan) magpahanggang sa pagrerekord sa tahanan at hanggang sa pag-iimbak ng dato para sa maaagang uri ng microcomputer. Sa pagitan ng kaagahan ng dekada ng 1970 at sa kahulihan ng dekada ng 1990, ang casette ay isa sa dalawang mga pinakakaraniwang uri ng mga musikang may paunang pagrerekord, na ang una ay ang pagiging kasabayan ng record na LP (rekord na long playing o matagalan ang pag-andar) at sa lumaon ay ang compact disc o CD.[2]

Ang mga audio casette ay binubuo ng dalawang maliliit na mga ikiran o karete, na sa gitna ng mga ito ay dumaraan at iniikid ang isang plastic tape at may balot na mabalani (magnetiko). Ang mga ikirang ito at ang katulong na mga bahagi nito ay nakalagay sa loob ng isang talukap o sisidlang plastiko na pamproteksiyon.

Talababa

baguhin
  1. literal na "sintas" o "tali"

Mga sanggunian

baguhin
  1. Marvin Camras (ed.) (1985). Magnetic Tape Recording. Van Nostrand Reinhold. ISBN 0-442-21774-9. {{cite book}}: |author= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Eric D. Daniel, C. Dennis Mee, Mark H. Clark (1999). Magnetic Recording: The First 100 Years. The Institute of Electrical and Electronics Engineers. ISBN 0-7803-4709-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.