Casiano ng Autun
Si San Casiano ng Autun (namatay noong 355), binabaybay ding Cassiano at Cassianus, ay isang santo, pari, at obispo. Nagmula siya sa Ehipto bago nagpunta sa Pransiya kung saan tinanggap siya ng obispo ng Autun, Gaul (Pransiya) na maaaring si Reticius sa halip na si San Simplicius (San Simplicio). Si Casiano mismo ay iniangat sa episkopado sa Ehipto. Isa na siyang pari nang mamatay ang obispo ng Autun sapagkat siya ang pari sa libing ng obispo. Inilaan ni Casiano ang kanyang sa pagdiriwang ng Misa para sa kapayapaan ng kaluluwa ng obispong sumakabilang-buhay sa loob ng isang taon. Pagkaraan nito, napili si Casiano bilang kapalit na obispo ng Autun. Namahala siya bilang obispo ng Autun sa loob ng 20 mga taon. Namatay siya sa edad na 70.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Magnificat, Bolyum 11, Bilang 6 Agosto 2009, pahina 85.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.