Casino di Villa Boncompagni Ludovisi

Ang Casino di Villa Boncompagni Ludovisi (kilala rin bilang Villa Aurora o Casino dell'Aurora) ay isang villa sa Porta Pinciana, Roma, Italya. May sukat na 2.200 metro kuwadrado, ito ang natitira sa isang kanayunang retiro, na kilala bilang Villa Ludovisi, na itinatag noong ika-16 na siglo ni Kardinal Francesco Maria Del Monte. Ang Kardinal ay isang diplomatiko, intelektuwal, dalubhasa sa sining, kolektor, at tagapagtaguyod ng magkakaibang mga personalidad tulad nina Galileo at Caravaggio. Ang Casino ay madalas na tinukoy bilang Villa Aurora, matapos sa mahalagang fresco ni Guercino, na matatagpuan sa pangunahing silid ng pagtanggap ng Villa, na naglalarawan sa diyosang si Aurora. Ipinagmamalaki ng isa sa mga mas maliit na silid ng casino ang nag-iisang pagpipinta na isinagawa ni Caravaggio sa kisame, Jupiter, Neptune at Pluto, na sumasalamin, sa simbolikong matalinhagang paglalarawan mula sa Klasikong mitolohiya, ang isa pang interes ng kardinal, alkimiya.

baguhin