Catherine Ferguson
Si Catherine "Katy"[1] Ferguson (1779 — 11 Hulyo 1854) ay isang Aprikano Amerikanong pilantropo at edukador na nagtatag ng unang paaralan na pang-araw ng Linggo sa Lungsod ng Bagong York.[2]
Catherine Ferguson | |
---|---|
Kapanganakan | 1779 |
Kamatayan | 11 Hulyo 1854 |
Trabaho | guro |
Bilang tagapagturo
baguhinBagaman hindi marunong bumasa at sumulat, pinangalagaan niya ang mga maralita at pinabayaang mga itim at puting mga kabataan sa kanyang pamayanan. Tuwing Linggo, dinala niya ang mga batang ito sa kanyang tahanan sa Kalye Warren, Bagong York, upang mabigyan sila ng edukasyon sa pananampalataya. Mula sa kanyang bahay, at sa pamamagitan ng panghihikayat ng isang pampook na ministrong si Reb. Dr. John Mitchell Mason ng Asosyadong Repormadong Simbahan,[1], nailipat ang kanyang Panlinggong Paaralan sa isang pang-ilalim na palapag ng isang simbahan - kung saan mayroong isang silid na pangtalakayan[1] - na nasa Kalye Murray noong mga 1814.[1][2] Dahil sa kanyang kawalan ng kakayahang bumasa at sumulat, hindi niya naitala ang kanyang mga karanasan sa maagang Amerika, kaya't madalang na mabanggit ng mga manunulat ng kasaysayan, subalit nilarawan siya bilang isang taong tumugon sa mga pangangailangan ng mga dalita sa isang panahon kung kailan talagang hindi pinapansin ang mga mahihirap.[1][3] Sa kalaunan, naging kilala ang kanyang paaralan bilang Murray Street Sabbath School.[1] Kabilang sa mga itinuturo ni Ferguson ang pagkakabisa ng mga awitin at Banal na Kasulatan. Kabilang sa kanyang mga panauhin sa paaralan sina Isabella Graham at Reberendo Isaac Ferris.[1]
Bukod sa kanyang mga gawain sa pagtuturo sa mga bata, nagsagawa rin si Ferguson ng mga pagpupulong na pandasalin para sa mga kabataan at mga nakatatanda tuwing ikalawang linggo, isang gawain nagpatuloy ng higit sa 40 mga taon.[2][3] Inalagaan din niya ang 48 mga batang kinuha at kinupkop niya mula sa mga lansangan o mula sa mga walang kakayahang maging mabuting mga magulang hanggang sa makatagpo siya ng kapakipakinabang na mga tahanan para sa kanila.[2]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 Hartvik, Allen. Catherine Ferguson: Black founder of a Sunday school, Negro History Bulletin, Enero-Setyembre, CBS Interactive Inc., BNET, findarticles.com, 1996, pahina 1
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Catherine Ferguson Naka-arkibo 2008-12-20 sa Wayback Machine., Notable Women of Early America, World of Early America, Archiving Early America, EarlyAmerica.com, 2009
- ↑ 3.0 3.1 Hartvik, Allen. Catherine Ferguson: Black founder of a Sunday school[patay na link], Negro History Bulletin, Enero-Setyembre, CBS Interactive Inc., BNET, findarticles.com, 1996, pahina 2
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Edukasyon at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.