Certosa di Bologna
Ang Certosa di Bologna ay isang dating monasteryong Cartujo (o charterhouse) sa Boloniaa, hilagang Italya, na itinatag noong 1334 at pinawalang-bisa noong 1797. Noong 1801 ito ay naging Monumental na Sementeryo ng lungsod na kung saan ay higit na pinuri ni Byron at iba pa. Noong 1869 isang Etruskong nekropolis, na ginamit mula ikaanim hanggang ikatlong siglo BC, ay natuklasan dito.
Detalye | |
---|---|
Itinatag | 1334 |
Kinaroroonan | Bolonia |
Bansa | Italya |
Klase | Pampubliko |
Nagmamay-ari | Bolonia |
Website | Official website |
Ang Certosa ay matatagpuan sa labas lamang ng mga pader ng lungsod, malapit sa Stadio Renato Dall'Ara, sa paanan ng Monte della Guardia at sa Santuwaryo ng Madonna di San Luca.