Cha Tae-hyun
Si Cha Tae-hyun (ipinanganak Marso 25, 1976) ay isang artista, mang-aawit, DJ sa radyo at direktor na mula sa Timog Korea. Kilala siya sa pagganap niya sa mga pelikulang My Sassy Girl (2001), Scandal Makers (2008), Hello Ghost (2010) at Along with the Gods: The Two Worlds (2017), gayon din sa mga palabas sa telebisyon tulad ng Jeon Woo-chi (2012) at The Producers (2015). Una siyang nag-direhe sa drama na Hit the Top (2017) kung saan bumida din siya.
Cha Tae-hyun | |
---|---|
Kapanganakan | 25 Marso 1976
|
Mamamayan | Timog Korea |
Trabaho | artista, disc jockey, mang-aawit, artista sa pelikula, direktor sa telebisyon, artista sa telebisyon |
Karera
baguhinNagsimula si Cha Tae-hyun ng kanyang karera bilang isang nanalo ng pilak na medalya sa Patimpalak ng Talento ng KBS. Nang naglaon, bumida siya sa mga ilang mga Koreanovela tulad ng Sunflower at Happy Together, at lumabas din sa ilang mga patalastas sa telebisyon.[1] Naging DJ siya sa radyo sa pamamagitan ng palatuntunan ng KBS Cool FM na FM Popular Music with Cha Tae-hyun mula 1999 hanggang 2000, at mayroong maliit na pagganap sa pelikulang Hallelujah.[2]
Noong 2001, naging popular siya nang bumida siya sa romantikong komedyang pelikula na My Sassy Girl kasama si Jun Ji-hyun. Dahil sa pelikulang ito, lumawak ang kanyang katanyagan sa buong Asya.[3] Sa larangan ng musika, naglabas siya ng una niyang album na pinamagatang Accident
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "10 Most Memorable Commercials (1950-2007)". The Korea Times (sa wikang Ingles). 24 Oktubre 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-29. Nakuha noong 2012-11-18.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Paquet, Darcy. "Actors and Actresses of Korean Cinema: Cha Tae-hyun". Koreanfilm.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-21. Nakuha noong 2012-08-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lim, Hye-seon (9 Disyembre 2009). "Actor Cha Tae-hyun meets with fans in Vietnam". 10Asia (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-06-24. Nakuha noong 2012-11-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)