Si Chaim Azriel Weizmann (Hebreo: חיים עזריאל ויצמן‎; 27 Nobyembre 1874 - 9 Nobyembre 1952) ay isang ganap na kimiko at politiko ng Israel. Isa siyang tanyag na pinuno ng mga Zionista, at napiling pinaka-unang pangulo ng bansang Israel noong 1948.[1]

Chaim Weizmann
Weizmann 1948.jpg
Kapanganakan27 Nobyembre 1874, 17 Nobyembre 1874
  • Motal
  • Motal Selsoviet, Ivanava District, Brest Region, Belarus
Kamatayan9 Nobyembre 1952
LibinganIsrael
PagkamamamayanIsrael, United Kingdom, United Kingdom of Great Britain and Ireland
Alma materPinsk Realschule
Hanapbuhaykimiko, politiko, pedagogo, awtobiyograpo, propesor ng unibersidad
Lagda

TalambuhayBaguhin

Ipinanganak si Weizmann malapit sa Pinsk, Rusya, na isa sa labinlimang magkakapatid. Nakapag-aral siya sa Alemanya at Switzerland. Naging guro ng kimika si Weizmann sa Pamantasan ng Manchester. Napangasawa niya ang duktorang si Vera Chatzman noong 1906. Nagkakilala sila sa Switzerland. Naging isang Ingles siya noong 1910.[1]

Nahihimlay ang kaniyang mga labi sa Pang-agham na Institusyong Weizmann, isang paaralang itinayo ni Weizmann.[1]

Mga akdaBaguhin

  • Trial and Error (isang autobiograpiya ni Weizmann)[1]

Mga talasanggunianBaguhin

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172-0508-8



   Ang lathalaing ito na tungkol sa Politiko at Siyentipiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.