Si Chandra Danette Wilson ay ipinanganak noong Agosto 27, 1969. Sya ay isang Amerikanang artista at direktor. Kilala siya sa kanyang papel bilang Dr. Miranda Bailey sa ABC drama sa telebisyon na Grey's Anatomy mula noong 2005, kung saan apat na beses siyang hinirang para sa Primetime Emmy Award para sa Outstanding Supporting Actress sa isang Drama Series. [4] Ginampanan din niya ang karakter ni Bailey sa Private Practice at Station 19. [5] Ginawa niya ang kanyang New York stage debut noong 1991 at nagsimulang makakuha ng mga guest spot sa iba't ibang prime-time na palabas sa telebisyon. Ginawa niya ang kanyang unang pelikula sa 1993 na pelikulang Philadelphia .

Chandra Wilson
Si Wilson noong 2014 Voice Awards, August 2014
Kapanganakan
Chandra Danette A. Wilson

(1969-08-27) 27 Agosto 1969 (edad 55)[1][2][3]
Houston, Texas, U.S.
NagtaposNew York University
Trabaho
  • Aktres
  • direktor
Aktibong taon1989–kasalukuyan
Anak3

Si Wilson ay ipinanganak at lumaki sa Houston, Texas. Gusto ng kanyang ina, isang postal worker, na panatilihing aktibo ang kanyang anak, kaya ipinatala niya si Chandra sa maraming aktibidad pagkatapos ng klase. "Simula sa edad na apat, nagpasya ang aking ina na hindi siya magkakaroon ng isang anak na walang ginagawa sa bahay," paggunita ni Wilson. "dahil doon, nagsimula akong kumuha ng leksyon sa pagsayaw tuwing Martes at Huwebes, at nasa klase ng pag-arte naman ako tuwing Lunes, Meyerkules, and Biyernes at nasa klase ako ng modeling kapag Sabado. at yun ang aking pagkabata." "Ang una kong palabas ay ang The King and I noong limang taong gulang ako" sabi niya sa isang panayam sa Broadway.com. [6]

  1. "Chandra Wilson: Biography". TV Guide. Nakuha noong Mayo 5, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Chandra Wilson- Biography". Yahoo!. Nakuha noong Mayo 5, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Chandra Wilson biography". The Biography Channel. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 15, 2013. Nakuha noong Mayo 5, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Chandra Wilson". IMDb. Nakuha noong Mayo 19, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "'Grey's Anatomy' helped many actors grow into directors: Chandra Wilson - Times of India". The Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 19, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Bernardo, Melissa Rose (Hunyo 15, 2009). "Before Grey's Anatomy, Chicago star Chandra Wilson was a Broadway Baby". broadway.com. Broadway.com. Nakuha noong Oktubre 17, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)