Charlie Hebdo
Ang Charlie Hebdo (Pranses para sa Lingguhang Charlie) ay isang Pranses na lingguhang magasing satiriko na nagpapakita ng mga dibuho, balita, polemika at mga pagbibiro. Inilalarawan nito ang sarili nito bilang isang sekular at ateista, makakaliwa (leftist) at anti-rasistang pahayagan. Sila ay naglilimbag ng mga artikulong nauukol sa labis na makaka-kanan (extreme right), sa relihiyon gaya ng Islam, Hudaismo, ang Simbahang Katoliko at iba pa, politika, at kultura.