Si Cheryl Rae Tiegs (ipinanganak noong Setyembre 25, 1947) ay isang Amerikanang modelo at aktres. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[1] Ayon pa rin sa Men's Health naging tanyag si Tiegs dahil sa kanyang maraming ulit na paglabas sa pangharap na pabalat sa damit na pampaligong edisyon ng Sports Illustrated, kabilang ang mga taon ng 1970, 1975, at 1983. Noong nasa gulang siyang 17, lumitaw na siya sa pangharap ng pabalat ng magasing Glamour. Bagaman hindi naging gaanong matagumpay sa karera ng pag-aartista, nagkaroon siya ng kameya bilang dating asawa ng karakter na si Quagmire sa animadong sitwasyon ng komedya na Family Guy.[1]

Cheryl Rae Tiegs
KapanganakanCheryl Rae Tiegs
(1947-09-25) 25 Setyembre 1947 (edad 77)
Breckenridge, Minnesota, Estados Unidos
AsawaStan Dragoti (1970–1979)
Peter Hill Beard (1981–1983)
Anthony Peck (1990–1995)
Rod Stryker (1998–2001)

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. Nakuha noong Abril 2, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista, Moda at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.