Chipset
Ang chipset ay isang hanay ng mga kasangkapan sa integradong sirikito na nagsisilbing tagapangasiwa ng daloy ng mga datos sa pagitan ng CPU, memorya, at mga peripheral. Batay sa klaseng Pentium na mga microprocessor ng Intel, ang terminong chipset ay kadalasang tumutukoy sa isang spesipikong pares ng mga chip sa motherboard: ang northbridge at southbridge. Ang northbridge ay nag-uugnay ng CPU sa napakabilis na mga kasangkapan lalo na ang pangunahing memorya ng kompyuter at mga kontroler ng grapiko. Sa maraming mga modernong chipset, ang southbridge ay naglalaman ng ilang on-chip na integrated peripheral gaya ng Ethernet, USB at mga kasangkapang audio. Ang southbridge ay kadalasang maitatangi mula sa northbridge sa hindi nito direktang pagkonekta sa CPU. Sa halip, ang northbridge ay nagtatali ng southbridge sa CPU. Sa mga sistemang chipset ng Intel, ang southbridge ay pinangalanang Input/Output Controller Hub (ICH). Ang AMD simula ng mga Fusion APU nito ay nagbigay ng katawagang FCH o Fusion Controller Hub sa southbridge nito.