Choose Your Own Adventure
Ang Choose Your Own Adventure[1][2], na sa literal na salin ay "Piliin ang Iyong Sariling Pakikipagsapalaran", "Piliin ang Iyong Sariling Abentura", "Pumili ng Iyong Sariling Pakikipagsapalaran", "Piliin ang Iyong Sariling Kapalaran", o "Pumili ng Sarili Mong Kapalaran" ay mga serye ng mga aklat na pambata o laruang-aklat (Ingles: gamebook) na unang inilimbag ng Bantam Books mula 1979 hanggang 1998. Sa kasalukuyan, muling nililimbag ito ng Chooseco. Nasusulat ang bawat salaysayin sa pananaw ng pangalawang tauhang tagapagsalita, kung saan aktibong gumaganap na bida ang bumabasa. Dahil dito, nakapipili ng mga desisyon at pahinang tutunguhan ang mambabasa na nagiging sanhi ng pagwawagi o pagkabigo ng pangunahing tauhan o protagonista. Maraming mga anyo ng pagtatapos o wakas ang mga aklat na ito. Nakabenta na ang mga aklat na ito ng may 250 milyong mga kopya, dahilan ng pagiging isa nito sa mga pinakakilalang mga serye ng mga aklat ng ating panahon. Ang The Cave of Time (Ang Kuweba ng Panahon) ni Edward Packard ang pinakauna sa serye ng mga aklat na Choose Your Own Adventure, na nalimbag ng Bantam Books noong 1979.
Sanggunian
baguhin- ↑ Demian Katz, Which Way Books, Webpage ng Demian's Gamebook, nakuha noong Hunyo 22 2007
- ↑ Chooseco Embarks on Its Own Adventure - Enero 18, 2007, Publishers Weekly
Kawing panlabas
baguhin- Opisyal na websayt ng Choose Your Own Adventure Naka-arkibo 2008-05-15 sa Wayback Machine.
- Listahan ng mga aklat na Choose Your Own Adventure ni Demian Impormasyon hinggil sa lahat ng mga pamagat pang-serye ng Choose Your Own Adventure.