Chordae tendineae
Ang chordae tendineae (literal na "bagting na litid" o "kurdong litid") o mga bagting ng puso (Ingles: heart strings), ay mga tendon o litid na parang mga bagting na nag-uugnay ng mga masel na papilaryo sa balbulang trikuspido at sa balbulang mitral sa loob ng puso. Ang chordae tendineae ay tinatayang 80% kolahena, habang ang natitirang 20% ay binubuo ng elastin at mga selulang endotelial.
Chordae tendineae | |
---|---|
Mga detalye | |
Latin | chordae tendineae cordis |
Mga pagkakakilanlan | |
Anatomiya ni Gray | p.532 |
MeSH | A07.541.510.240 |
Dorlands /Elsevier | c_31/12236883 |
TA | A12.1.00.023 |
FMA | 76527 |
Mekanismo
baguhinHabang nagaganap ang systole na atrial o pang-atrium, ang dugo ay dumadaloy mula sa atria papunta sa mga bentrikulo pababa sa gradiyente ng presyon. Ang chordae tendineae ay nakapahinga dahil ang mga balbulang atriobentrikular ay pilit na nakabukas.[1]
Kapag umiksi o lumiit ang mga bentrikulo ng puso habang nasa bentrikular na systole, ang tumaas na presyon ng dugo sa loob ng kapwa mga kamara ay tumutulak sa balbulang trikuspido at balbulang mitral upang magkasabay na sumara, na umiiwas o pumipigil sa pabalik na pagdaloy ng dugo papasok sa atria. Dahil sa ang presyon ng dugo sa loob ng atria ay mas mababa kaysa sa nasa loob ng mga bentrikulo, ang mga palapa (mga flap sa Ingles) ay sumusubok na magbalik papunta sa mga rehiyon may mababang presyon, isang prosesong tinatawag na ebersiyon (ang . Pinipigilan ng chordae tendinae ang ebersiyong ito, ang paglabas ng panloob na kayarian o ang pagbaligtad na ang panloob na bahagi ng organo ay naging panlabas na bahagi; o pagdulas pababa o pasulong ng isang bahagi o organo ng katawan), tinatawag na prolapse sa Ingles, sa pamamagitan ng pagiging maigting ang pagkakabanat kaya't nahihila ang mga palapa, na nagpapanatili sa mga ito sa nakasarang posisyon.[1]
Tendon ni Todaro
baguhinAng tendon ni Todaro ay isang pagpapatuloy o kontinwasyon ng balbulang Eustachiano ng inperyor na vena cava at ng balbulang Thebesiano ng sinus na koronaryo. Kapiling ng bukana o butas ng koronaryong sinus at ng tulis na septal ng balbulang trikuspid, ito ang bumubuo sa tatsulok ni Koch. Ang gitna ng tatsulok ni Koch ay ang lokasyon ng bukong atriobentrikular.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Stephen Karas, Jr., M.D.; Ronald C. Elkins, M.D. (1970). "Mechanism of Function of the Mitral Valve Leaflets, Chordae Tendineae and Left Ventricular Papillary Muscles in Dogs" (PDF). Circulation Research, Vol. XXVI. AHA. pp. 694–695. Nakuha noong 17 Nobyembre 2009.
{{cite web}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)