Christine Jorgensen
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Abril 2009)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Si Christine Jorgensen (30 Mayo 1926 - 3 Mayo 1989) ay ang unang kilalang tao na sumailalim sa pagpapalit ng kasarian—sa kasong ito, mula lalaki patungong babae.
Christine Jorgensen | |
---|---|
Kapanganakan | George William Jorgensen, Jr. 30 Mayo 1926 |
Kamatayan | 3 Mayo 1989 | (edad 62)
Nasyonalidad | Amerikano |
Pagkabata
baguhinSi Jorgensen ay ipinanganak bilang si George William Jorgensen, Jr, ang ikalawang anak ni George William Jorgensen Sr, isang karpintero at kontratista, at ang kanyang asawa, ang dating Florence Davis Hansen. Si Jorgensen ay lumaki sa Bronx at inilarawan ang kanyang sarili bilang "mahina, mahiyain at maliit na batang lalaki na tumatakbo mula sa mga suntukan at magugulong laro".[1]
Si Jorgensen ay nagtapos mula sa Christopher Columbus High School noong 1945 at di nagtagal ay sumali sa Militar.
Pagkatapos ng Militar, si Jorgensen ay nag-aral sa Kolehiyo ng Mohok sa Utica, New York,[2] sa Progresibong Paaralan ng Potograpiya sa New Haven, Connecticut, at sa Paaralang Medikal at Dental ng Manhattan sa New York, New York. Nagtrabaho sandali si Jorgensen para sa Pathé News.
Operasyong pagpapalit kasarian
baguhinPagbalik sa New York pagkatapos magsilbi sa militar at sa lumalalang pagkabahala sa (bilang tinawag ito ng isang orbituaryo) kanyang "kakulangan sa pisikal na pangangatawang panlalake",[3] narinig ni Jorgensen ang tungkol sa posibilidad ng pagpapalit kasarian, at nagsimula siyang gumamit ng pambabaeng hormone na ethinyl estradiol. Inaral niya ang naturang paksa sa tulong ni Dr. Jose Angelo, asawa ng isa sa mga kaklase niya sa Paaralang Medikal at Dental ng Manhattan.[3] Binalak ni Jorgensen na pumunta sa Sweden, kung saan ang tanging mga doktor sa mundo na nagsasagawa ng ganitong uri ng operasyon sa mga oras na iyon ay matatagpuan. Sa isang pansamantalang hintuan sa Copenhagen bibisitahin sana ni Jorgensen ang kanyang mga kamag-anak nang makilala niya si Dr Christian Hamburger, isang Danish na endocrinologist at espesyalista sa rehabilitative hormonal therapy. Namalagi siya sa Denmark, at sa ilalim ng direksiyon ni Dr. Hamburger, ay pinahintulutan siyang simulan ang hormone replacement therapy, at sa kinalaunan ay sumailalim sa serye ng mga operasyon.
Ayon sa isang orbituaryo, "Sa pahintulot mula sa Danish Ministro ng Katarungan, tinanggal ang mga itlog ni Jorgensen at, pagkaraan ng isang taon, ang kanyang titi." Ilang taon pagkatapos, sumailalim si Jorgensen sa vaginoplasty, nang maaari na itong isagawa sa US , sa direksiyon ni Dr. Angelo at isang medikal na tagapayo na si Harry Benjamin.[3]
Pinili ni Jorgensen ang pangalang Christine sa karangalan ni Dr. Hamburger. Siya ay naging tagapagsalita para sa transsexual at transgender na tao.
Publisidad
baguhinNabulabog ang media noong 1 Disyembre 1952 nang ilathala ng New York Daily News sa unang pahina (sa ilalim ng pamagat na "Ex-GI naging Blonde Beauty") ang balita na si Jorgensen ang kauna-unahang taong nagpalit ng kasarian. Ito ay hindi totoo bilang naisagawa na ang nasabing operasyon ng mga Aleman na doktor noong huling bahagi ng 1920s at unang bahagi ng 1930s. Ang mga artistang Danish na sina Lili Elbe at "Dorchen", parehong mga pasyente ni Dr. Magnus Hirschfeld sa Institusyon ng Sekswal na Siyensiya sa Berlin, ay kilalang tumanggap ng naturang mga operasyon noong 1930-31. Ang naiiba sa kaso ni Jorgensen ay ang mga dagdag na reseta ng hormone therapy.
Nang bumalik sa New York si Jorgensen noong Pebrero 1953, siya ay naging isang instant celebrity. Umugong ang haka-haka na si Jorgensen ang nagpakalat ng impormasyon sa media, ngunit sa anumang kaso, ang publisidad ay lumikha ng plataporma para kay Jorgensen, na ginamit ang kanyang publisidad para sa higit sa katanyagan. Tinanong ng host ng radyo sa New York na si Barry Gray si Jorgensen kung nababahala siya sa mga 1950s na biro tulad ng "Christine Jorgensen nagpunta sa ibang bansa, at nagbalik malaki na". Tumawa siya at sinabing hindi. Gayunpaman, isang pangyayari ang nagpakita na nasasaktan rin si Jorgensen ng ilang mga katanungan: lumabas si Jorgensen sa isang episode ng Ang Dick Cavett Show, kung saan tinanong siya ng host kung kamusta na ang kanyang "maybahay", at siya ay nag-walk out; dahil siya lang ang naka-iskedyul na panauhin sa araw na iyon, ginugol ni Cavett ang nalalabing oras sa pagpapaliwanang na hindi niya sinasadyang saktan ang damdamin ni Jorgensen.
Buhay kinalaunan
baguhinMatapos ang kanyang vaginoplasty, plinano ni Jorgensen pakasalan si John Traub, isang estatistiko ng unyon-manggagawa, ngunit hindi ito natuloy. Noong 1959, inihayag niya ang kanyang pagpapakasal kay Howard J. Knox, isang tagapagmakinilya, sa Massapequa, New York, kung saan itinayo siya ng kanyang ama ng isang bahay matapos ang kanyang operasyon. Hindi nakakuha ng lisensiya sa kasal ang dalawa dahil nakalista pa rin sa sertipiko ng kapanganakan ni Jorgensen na siya ay isang lalake. Sa isang ulat tungkol sa naunsiyaming pagpapakasal, inihayag ng The New York Times na nawalan ng trabaho si Knox sa Washington DC matapos malaman ang planong pagpapakasal nito kay Jorgensen.[4][5]
Sa panahon ng 1970s at 1980s, nilibot ni Jorgensen ang mga campus ng mga unibersidad at iba pang mga lugar para ikwento ang mga naging karanasan niya. Siya ay nakilala sa kanyang katuwiranan at pagpapatawa at minsan ay humingi ng paghingi ng patawad mula kay Spiro T. Agnew, ang bise-presidente ng Estados Unidos, nang tawagin niya ang isang kapwa politiko na "ang Christine Jorgensen ng Republican Party".[6]
Si Jorgensen ay nagtrabaho rin bilang isang aktres at entertainer sa mga bahay-aliwan at nagrecord ng ilang mga kanta.[7] Noong tag-araw, gumanap siya bilang Madame Rosepettle sa dulang Oh Dad, Poor Dad, Mama's Hung You in the Closet and I'm Feelin' So Sad. Sa bahay-aliwan, kumanta siya ng ilang mga awitin, kabilang ang "I Enjoy Being a Girl", at sa dulo ay nagpalit ng Wonder Woman costume: nang bigla niyang naalala sa kanyang gawain na, ang Warner Communications, may-ari ng Wonder Woman na karakter, ay hiniling na tigilan na niya ang paggamit sa character, na kaniyang ginawa, sa pamamagitan ng kanyang sariling imbensiyon, si "Superwoman", na noon ay minarkahan sa pamamagitan ng paglagay ng isang malaking letrang S sa kanyang kapa. Ipinagpatuloy ni Jorgensen ang kanyang gawain, nagtanghal sa Freddy's Supper Club sa itaas bandang silangan ng Manhattan hanggang Taglagas ng 1982, kung saan siya nagtanghal ng dalawang beses sa Hollywood-minsan sa sarado na ngayon na Backlot Theatre, katabi ng discothèque Studio One [nangangailangan ng paglilinaw], at sumunod sa The Frog Pond restaurant, na sarado na rin ngayon. Ito ay naitala at lumabas bilang isang album sa iTunes. Noong 1984, bumalik si Jorgensen sa Copenhagen upang magtanghal at itinampok siya sa transsexual na dokumentaryong pelikula ng Danish na si Teit Ritzau na pinamagatang Paradiset ikke til salg (Paraisong Hindi Ipinagbebenta).
Sinabi ni Jorgensen noong 1989, ang taon ng kanyang kamatayan, na binigyan niya ang sekswal na rebolusyon ng "isang maganda at matuling sipa sa pantalon". Namatay siya sa kanser sa pantog at baga apat na linggo bago ang kanyang ika-63 na kaarawan.
Mga sanggunian sa media
baguhinAng Nasyon ng Islam lider na si Louis Farrakhan, sa panahon ng kanyang mas maagang karera bilang isang singer sa ilalim ng pangalan na 'Ang Charmer', ay nagrecord ng isang kanta tungkol kay Jorgensen na pinamagatang, "Is She Is Or Is She Ain't".[8] (Ang pamagat ay isang dula sa 1940s kanta na "Is You Is or Is You Ain't My Baby".)
Si Jorgensen ang tinukoy sa 1994 pelikula ni Ed Wood bilang orihinal na inspirasyon para sa pelikula na naging Glen o Glenda?. Siya rin ang paksa ng isang 1970 pelikula na pinamagatang The Christine Jorgensen Story. Si Jorgensen din ang tinukoy sa isang episode ng Quantum Leap na pinamagatang "What Price Gloria", kung saan lumundag si Sam sa katawan ng isang babaeng sekretarya noong 1961 (lahat ng kaniyang mga naunang 'paglundag' ay sa katawan ng mga lalaki). Nang ipagtapat niya sa kanyang aroganteng amo na siya ay sa katunayan isang lalake, tinanong siya nito kung "ginawa niya ang Christine Jorgensen".
Sa Christine Jorgensen Reveals, isang pagtatanghal sa entablado sa 2005 Edinburgh Festival Fringe, ginampanan ang papel ni Jorgensen ni Bradford Louryk. Sa lubhang kritikal na pagbubunyi, nagbihis si Louryk bilang si Jorgensen at sumama sa isang recorded na panayam kasama si Jorgensen noong 1950s habang ang bidyo ni Rob Grace bilang ang komedyanteng tagapanayam na si Mr. Nipsey Russell, ay pinalabas sa isang malapit na itim-at-puting set ng telebisyon. Ang palabas ay nagpatuloy hanggang sa manalo ito ng Pinakamahusay na Aspeto ng Produksiyon sa 2006 Dublin Gay Theatre Festival, at ito ay ipinalabas sa New World Stages noong Enero 2006. Ang LP ay inilabas sa CD ng Repeat The Beat Records sa 2005.
Ang transgender aktibista at teoritiko na si Susan Stryker ay kasalukuyang gumagawa ng isang dokumentaryong pinamagatang Christine in the Cutting Room isang pelikula tungkol sa kanyang karera bilang isang tagagawa ng pelikula at litratista. Ito ay nasa pre-produksiyon, na ang produksiyon ay naka-iskedyul para sa taong 2009.
Tingnan din
baguhin- Listahan ng mga taong transgender
- Listahan ng mga paksang may kaugnayan sa transgender
Sanggunian
baguhin- ↑ mula kay Christine Jorgensen: Isang Personal na Biyograpiya, ang kanyang autobiyograpiya ng 1967, quoted sa pamamagitan ni Naka-arkibo 2009-02-20 sa Wayback Machine. Michelle Ingrassia sa Newsday, "Noong 1952, siya ay isang Iskandalo: Nang napagpasyahan ni Jorgensen na baguhin ang kanyang pangalan - at ang kanyang katawan - ang bansa ay hindi pa lubos na handa. " 5 Mayo 1989
- ↑ "Education: Students Wanted". Time. 2 Setyembre 1946. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Oktubre 2012. Nakuha noong 30 Abril 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 "Jorgensen, Christine (30 Mayo 1926-3 Mayo 1989), na umani ng katanyagan sa pamamagitan ng pagsailalim sa operasyon ng pagpapalit kasarian, ay ipinanganak bilang George William Jorgensen, Jr". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-22. Nakuha noong 2011-04-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bars Marriage Permit: Ibinasura ng Klerk ang Katunayan ng Kasarian mula kay Christine Jorgensen", The New York Times, 4 Abril 1959
- ↑ "Nabagong Tao - Medikal na Espesyalisasyon, New York, Newsday - Newsday.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-20. Nakuha noong 2009-02-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hiningan ni Ginang Jorgensen si Agnew ng paghingi ng patawad", The New York Times, 11 Oktubre 1970. Tinanggihan ni Agnew ang kanyang hiling.
- ↑ Christine Jorgensen Website
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-12-17. Nakuha noong 2011-04-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Panlabas na mga link
baguhin- Alay na Koleksiyon ng nga Larawan at Buod Naka-arkibo 2008-04-18 sa Wayback Machine.
- GLTBQ.com artikulo: Christine Jorgensen Naka-arkibo 2007-03-19 sa Wayback Machine.
- Edinburgh Festival Fringe 2005: Christine Jorgensen Reveals Naka-arkibo 2008-05-16 sa Wayback Machine.
- Christine Jorgensen Website, na may balita, kanta, at iba pang pagtatanghal
- Christine Jorgensen sa IMDb
- Christine Jorgensen sa Find a Grave
- Christine Jorgensen , Isang Transsexual Media Sensation, Transgender Zone Media Archives.