Si Chronos (Sinaunang Griyego: Χρόνος, "panahon," "oras," na mayroong din transliterasyon na nasa anyong Khronos; isina-Latin bilang Chronus) ay ang personipikasyon ng Oras sa pilosopiya bago ang pagsapit ng panahon ni Socrates at sumunod na panitikan.

Si Chronos, na natutulog sa libingan ni Georg Wolff, isang mangangalakal.

Kinatha ng isipan si Chronos bilang isang diyos, na may anyong parang ahas, na may tatlong mga ulo—na ang isa ay ulo ng isang lalaking tao, ng isang toro, at ng isang leon.[kailangan ng sanggunian] Siya at ang kaniyang konsorte (abay), na parang ahas din na si Ananke (pagka hindi maiiwasan), ay pinaluputan ang unang itlog na daigdig at hinati ito upang buuin ang may kaayusang sansinukob ng mundo, karagatan at kalangitan.

Si Chronos ay ikinalilito, o marahil may kamalayang nakikilala na dahil sa pagkakahalintulad ng pangalan, sa Titan na si Cronus noong sinaunang panahon,[1] na ang pagkakakilala ay nagiging mas laganap noong panahon ng Renasimyento, na nagpalitaw sa talinghaga ng "Amang Oras" (Amang Panahon) na humahawak at gumagamit ng pang-aning karit.

Inilarawan siya sa mga mosaikong Greko-Romano bilang isang lalaking nagpapaikot ng Gulong ng Zodiac.[kailangan ng sanggunian] Subalit, maaari ring ihambing o ipagkaiba si Chronos mula kay diyos na si Aion bilang Walang-Hanggang Panahon[2] (tingnan ang aeon).

Karaniwang inilalarawan si Chronos bilang isang lalaking matanda, marunong, mayroong balbas na kulay abo at mahaba, katulad ni Amang Oras. Ang ilan sa pangkasalukuyang mga salitang Tagalog o Filipino na ang mga ugat na pang-etimolohiya ay khronos" o "chronos ay kinabibilangan ng kronolohiya, kronometro, kroniko, anakronismo, at kronikulo (kronikel).

Mga kosmogoniyang pangmito

baguhin

Sa kosmogoniyang Orpiko, ang hindi tumatandang si Chronos ay lumikha ng Aether at Chaos, at gumawa ng isang itlog na mapilak sa banal na Aether. Ito ang lumikha ng hermaproditikong diyos na si Phanes, na nagpanganak sa unang salinlahi ng mga diyos at siya ang tunay na manlilikha ng kosmos.

Inangkin ni Pherecydes ng Syros sa kaniyang nawalang Heptamychos (ang pitong mga pusod" o "ang pitong mga dakong-loob"), noong humigit-kumulang sa ika-6 na daantaon BK, na mayroong tatlong mga prinsipyong pangwalang-hanggan: sina "Chronos, Zas (Zeus) at Chthonie (ang chthonic). Ang semen ni Chronos ay inilagay sa mga "pusod" at lumikha ng unang salinlahi ng mga diyos.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Lahok sa LSJ Κρόνος
  2. Doro Levi, "Aion," Hesperia 13.4 (1944), p. 274.
  3. G.S.Kirk,J.E.Raven and M.Schofield (2003). The Presocratic Philosophers. Cambridge University Press. pp. 24, 56.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]