Si Chuchi ay isang Komedyante. Subalit gumanap lamang siya ng mga pelikulang manaka-naka pa sa patak ng ulan. Siya ay ipinanganak noong 1921, at unang lumabas sa bakuran ng 3 Star Pictures. Nasundan iyon ng lumipat na siya sa LVN Pictures kung saan doon na rin niya tinapos ang kanyang career bilangisang komedyante.

Katulong ang kanyang papel sa pelikula ni Lilia dizon ang Makabagong Pilipina, samantalang isa sa mga asaw ng kandidato ang kanyang ginampanan sa Ang Kandidato nina Pugo at Togo. Virginia ang huling pelikula niya kung saan niya nakasama sina Rosa Rosal, Armando Goyena at ang may papel na Virginia na si Tessie Quintana.

Sa telebisyon naging mas tanyag ang kanyang karera nang ginampanan niya ang papel bilang yaya nina Jimmy Morato, Millie Mercado at ang batang si Efren Montes sa "Padre de Pamilya" na pinangungunahan ni Ric Rodrigo sa ABS-CBN noong 1972. Kuwento nang isang simple pamilya ng balong si Rodrigo kasama ang kanyang tatlong anak, at ang kanilang tapat na kasambahay na si Chuchi.

Ngunit sa dekada 80 hanggang 90 ay napanood si Chuchi sa "Chika, Chika Chicks" bilang lola ni Maritess (Maria Teresa Carlson). Sa isang episode ay binisita niya si Maritess sa Capistrano residence.Di naglaon ay inanyayahan na siya ng mag-asawang Jimmy at Inez Capistrano (Freddie Webb at Nova Villa) na tumira na sa kanila upang mabantayan si Maritess at ang iba pang mga models na sina Carmi Martin, Ruby Ana, Lorraine Schuck, Sheila Ysrael, Malu dela Fuente.

Nakakatuwa ang kanyang paos o malat na boses, kasama na dito ang pagsasalita niya ng Español na sobrang bilis.

Pelikula

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.