Chuck Norris facts
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Pebrero 2014) |
Ang mga katotohanan tungkol kay Chuck Norris ay mga satirikong katotohanan tungkol sa sining ng militar at sa actor na si Chuck Norris. Ang mga ito ay naging isang phenomenon sa Internet at dahil dito, lumaganap rin ang mga ito sa larangan ng popular na kultura. Ang mga katotohanan ay karaniwang absurdong hayperbolikong pahayag tungkol sa pag-uugali, pagiging macho, sopistikasyon at pagiging tigasin ni Norris.
Karaniwang sinasabi ng mga katotohanang ito na si Norris ay isang tigasin at napakalakas na nilalang. Kumalat na ang mga ito sa buong mundo bagkus ay nagkaroon na ng mga nakasaling bersiyon nito at mga lokal na bersiyon na bumabanggit sa mga patalastas na espesipiko para sa bawa’t bansa kasali na ang iba pang mga penomena sa Internet. Ang mga alusyon ay minsan ring ginagamit ukol sa kaniyang paggamit ng mga “roundhouse kick” para gawin ang kahit na anong trabaho, ang kaniyang napakaraming buhok sa katawan lalo na pagdating sa balbas at ang kaniyang papel sa mga maaksiyong palabas sa telebisyon na Walker at Texas Ranger.
Pinagmulan
baguhinNagsimulang lumabas ang mga katotohanan tungkol kay Chuck Norris sa Internet noong 2005. Ang mga biro ni Conan Obrien tungkol kay Chuck Norris sa Late Night with Conan O'Brien (na nakapokus sa Walker, Texas Ranger) ay nakita bilang inspirasyon sa pagiging uso ng mga ito. Ang istilong pinagrabe ng mga ito ay tulad ng isang part eng programang Saturday Night Live. Dahil sa popularidad ng mga ito, may mga katulad na mga biro na ang mga ito pero tungkol na sa ibang mga artista at piksiyonal na mga karakter.
Tugon ni Norris
baguhinTumugon si Norris tungkol sa mga katotohanang tungkol sa kaniya sa pamamagitan ng isang pahayag sa kaniyang opisyal na website. Inaamin niyang ang iba sa mga katotohanan ay tunay ngang nakatatawa ngunit sabi rin niya na sinisikap niyang wag seryosohin ang mga ito at umaasa siyang ang mga katotohanang ito ay magiging dahilan para maging interesado ang mga tao sa mga tunay na katotohanan tungkol sa kaniya na nakapaloob sa kaniyang mga pamapanitikang trabaho. Ang unang kulumna ni Chuck Norris para sa WorldNetDaily noong 23 Oktubre 2006 ay binuo ng isa pang tugon. [1] Nagsimula ito katulad ng nauna niyang pahayag sa chucknorris.com pero sinabi niya dito na mas makapangyarihan sa kaniya ang Diyos at si Hesus. Isa sa mga satirikong katotohanang tungkol kay Norris ay nagsasabing “Wala talagang teorya ng ebolusyon. May listahan lang ng mga nilalang na pinayagan ni Chuck Norris na mabuhay. Sa nasabing artikulo, sinabi niya: Nakatatawa siya at kyut. Pero ito talaga ang aking palagay sa teorya ng ebolusyon: hindi ito totoo. Hindi ito ang paraan kung paano tayo nabuo. Ang katotohanan pa nga niyan ay ang buhay na nakikita mo sa planetang ito ay listahan lang talaga ng mga nilalang na pinayagan ng Diyos na mabuhay. Hindi tayo mga nilikha nang ala-suwerte. Hindi tayo mga aksidente. Mayroong Diyos, isang Tagapaglikha na lumikha sa atin. Tayo ay ginawa sa kaniyang imahen kaya tayo naiiba sa ibang mga nilalang. Kung wala Siya, wala akong kapangyarihan. Pero kung nandiyan Siya, ayon sa Bibliya, kaya nating gawin ang lahat ng bagay. Noong 29 Nobyembre 2007, naglabas ang Gotham Books, isang dibisyon ng Penguin USA, ng isang librong pinamagatang The Truth About Chuck Norris: 400 facts about the World's Greatest Human.[3] Kinasuhan sila ni Norris noong Disyembre ng nasabing taon ng “trademark infringement”, “unjust enrichment” at “privacy rights”. Noong 7 Oktubre 2009 nilabas ng Tyndale House Publishers ang The Official Chuck Norris Fact Book na isa sa mga nagsulat at nagendorso ay si Norris.
Mga Prominenteng Pagbanggit
baguhinSa 20 Marso 2006 na isyu ng TIME magazine, tinawag si Chuck Norris bilang isang “online cult hero” . Sa kaniyang pagsagot sa kanilang huling tanong, tinawag niya ang mga katotohanan tungkol kay Chuck Norris na “kakaiba pero sikat na mga kasabihan” at nagsabi pa siya ng isa sa mga ito: “Kaya ni Chuck Norris na maghati gamit ang zero.”
Noong 2011, may patalastas ang World of Warcraft na ipinakita si Chuck Norris.
Inspirasyon at mga katulad na uso
baguhinSa India, may mga katulad na biro pero tungkol sa mga actor na bumbay na sina Rajinikanth at Javan. Kitang kita na ang mga katotohanan tungkol sa Tamil na actor na si Rajinikanth ay kumuha ng inspirasyon sa mga katotohanan tungkol sa kay Chuck Norris. Habang ang karamihan sa mga biro tungkol kay Rajinikanth ay orihinal, marami pa rin sa mga ito ang pinalitan lang ng pangalan ni Rajinikanth mula sa pangalan ni Norris.
Bibliograpiya
baguhin- Ian Spector: The Truth About Chuck Norris: New York: Gotham Books: 2007: ISBN 1-59240-344-1
- Chuck Norris & Todd DuBord: The Official Chuck Norris Fact Book: 101 of Chuck's Favorite Facts and Stories: Tyndale House Publishers: 2009: ISBN 1-4143-3449-4